Totoo bang safe sa Davao City?

by Sankage Steno

Pagkatapos mong basahin yung blog na ‘to, sabihin mo kung ako ba o si Duterte ang nagsasabi ng totoo tungkol sa Davao City na kabilang daw sa listahan ng safest cities in the world.

Napakasimple lang ng ginawa ko: Ginoogle ko ang “Safest cities in the world” para makumpirma kung kasama nga roon ang Davao City. At gaya ng hinala ko, wala sa kahit anong listahan ang nasabing lunsod maliban sa isa. But I’m getting ahead of myself. Ipapakita ko muna rito ang search result ng Google.

Una kong nakita yung 2015 report ng Business Insider na nakuha yung listahan ng safest cities in the world mula sa Economist’s Intelligence Unit. Ayon sa ranking nito, ang 10 pinakaligtas na lunsod sa buong mundo ay ang mga sumusunod:

  1. Tokyo
  2. Singapore
  3. Osaka
  4. Stockholm
  5. Amsterdam
  6. Sydney
  7. Zurich
  8. Toronto
  9. Melbourne
  10. New York City

Nasaan ang Davao City d’yan, aber? Wala. Pero syempre, hindi pa ‘ko nagpaawat. Humanap pa ‘ko ng ibang balita para bigyan ng chance itong kaharian ni Duterte.

Sunod kong nakita yung 2015 report ng The Telegraph. Pareho lang sila ng pinagkuhanang impormasyon ng Business Insider kaya ‘yan ding listahan sa taas ang nakita kong ranking.

Pero di pa rin ako nagpaawat. Ayokong pumayag na wala ngang Davao City sa kahit anong listahan ng safest city in the world. Sa isa pang paggu-google ko, sa wakas, may nahanap akong dalawang balita na naglalaman ng listahan kung saan kabilang na ang Davao City.

Ang dalawang pahayagang ito ay Philippine Daily Inquirer at Sun Star Cebu.

Ang nakakatawa, pareho rin sila ng pinagkuhanang source para sa nasabing mga balita. Nakuha nila yung listahan ng safest cities in the world sa website na may pangalang Numbeo.com. Sa pag-uusisa ko pa, nahanap ko rin yung page ng Davao City sa nasabing website.

Lumalabas sa data na ‘yan na mukha ngang safe sa nasabing lunsod. Ang tanong ko lang, “Ano ba yung Numbeo na ‘yan?

Kumpara kasi sa Economist’s Intelligence Unit, parang wala namang kredibilidad na magsabi ng ranking itong Numbeo.com. At pagkakita ko nga sa home page nila, ito agad yung bumungad sa akin:

Numbeo is the world’s largest database of user contributed data about cities and countries worldwide. Numbeo provides current and timely information on world living conditions including cost of living, housing indicators, health care, traffic, crime and pollution.

Akin yung emphasis sa quote na ‘yan. So, ibig sabihin, yung kinokolektang datos ng Numbeo ay mula sa “users.” Kung sino man yung mga user na ‘yon, hindi ko alam. Pwedeng ikaw, pwedeng ako, pwedeng si Duterte, pwedeng yung mga taga-Davao o yung mga kriminal sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa intindi ko, kahit sino e pwedeng “bumoto” o magpasa ng impormasyon tungkol sa napili nilang lunsod. Sa madaling salita, napakadaling manipulahin ng data na lumalabas sa Numbeo. Ergo, hindi s’ya credible source of information.

Hindi ko lang maintindihan kung bakit kinagat ito ng PDI at ng Sun Star. Kung ako ang tatanungin, mas paniniwalaan ko pa rin yung inilabas na datos ng PNP kamakailan lang kung saan lumabas ang Davao City na pang-apat sa may pinakamataas na kriminalidad sa bansa.

Btw, numero uno ang Davao pagdating sa murder. Hello, DDS?

O ngayon, sinong sinungaling, ako o si Duterte? Hinahamon kita, mayor, pati na rin kayong mga taga-Davao, na maghain sa akin ng mga datos na magpapatunay na safe nga sa city n’yo. Hindi ako maniniwala sa kwento-kwento o anecdotes lang.

Mas marami akong kwento sa inyo. E.g., pumunta ako sa Tawi-Tawi nang mag-isa, safe naman ako. Pumunta ako sa Zamboanga City nang mag-isa, buhay pa naman ako. Pumunta ako sa Legazpi City nang mag-isa, heto’t nakakapag-blog pa ako. Pumunta ako sa Basco nang mag-isa, humihinga pa ‘ko.

At nakatira ako sa Makati City nang mag-isa, well, hello there.

Null