If you’re voting for Miriam, don’t…

by Sankage Steno

…miss this dahil hindi ganun kalinis si Mareng Miriam Defensor-Santiago gaya nang iniisip mo.

Totoo namang napakatalinong tao nitong si Miriam, at hindi ko kinukwestyon ‘yon. Pero marami rin s’yang kapalpakan gaya ng iba nating mga pulitiko. Sa blog na ‘to, tatalakayin ko yung tatlong aspeto kung bakit hindi na s’ya nararapat na maging pangulo ng Pilipinas:

  • Kalusugan
  • Kalinisan
  • Katapatan

Una, may cancer s’ya. Maraming pananaliksik ang nagsasabing ang stress ay risk factor o maaaring makapagdulot ng cancer, at kung magaling ka na sa cancer, malaki ang chance na bumalik ito kung lagi kang stressed. Alam naman natin sigurong ang pagiging pangulo ay sobrang stressful, hano? So why gamble the country’s future by choosing a sick person?

Bukod sa may cancer si Miriam, matanda na rin s’ya. Personally, I believe she should just retire and enjoy her life with her friends and family. Hindi mababaw na dahilan ito. Ikaw nga, sumakit lang ang ulo, aabsent na sa work o sa school, ‘yun pa kayang matanda na, may cancer pa? Pangulo pa ng bansa ang gustong trabaho. Jusme.

Pangalawa, nakinabang si Miriam sa pork barrel. Kabilang ang senadora sa listahan ni Benhur Luy, ang nagsiwalat ng pork barrel scam na kinasangkutan ni Napoles. Nagbigay si Miriam ng “cash bonus” sa isang Zenaida Ducut para sa napili n’yang proyekto. Sinong hindi corrupt ngayon? Malinis pala, ha.

Bukod pa rito, hindi ko rin matanggap na “kinampihan” ni Miriam si Erap noong impeachment trial nito noong 2001. Isa s’ya sa mga bumoto na ‘wag buksan yung envelope na naglalaman ng mga ebidensyang magpapatunay sa pangungurakot ni Estrada. Dahil hindi nabuksan ang envelope, ang taumbayan na ang tumapos ng trial sa pamamagitan ng People Power II, at napatalsik si Erap.

Bukod kay Estrada, kampi rin si Miriam kay GMA, na bukod sa nandaya noong 2004 elections (Remember “I am sorry?”) e nasangkot din sa napakaraming isyu sa korapsyon (Remember NBN-ZTE deal?). Gusto ng senadorang ipa-house arrest na lang si Arroyo. Aba, sinuswerte. Dapat nga sa correctional dalin ‘yan e. Wala dapat special favor.

Pangatlo, bakit s’ya kumampi kay Bongbong Marcos? Kung di mo alam, kaya sumikat si Miriam e dahil s’ya ang “unang” judge na kumalaban sa martial law nang naglabas s’ya ng hatol para payagan ng militar na makapagpiyansa yung mga aktibista mula sa UP at Ateneo na nag-rally sa isang central business district. Dun po s’ya nakilala.

At malaking bagay ‘yon. Biruin mo, kinalaban n’ya ang militar, si Marcos Sr., para hindi makulong yung mga estudyanteng nag-rally. Pwede s’yang ipadakip sa mga sundalo at i-torture o patayin. Lantarang pagsuway ‘to kay Marcos Sr., tapos ngayon kumampi s’ya sa anak ng diktador na hindi pa sinasauli yung mga ninakaw ng pamilya nila noon? Asan ang hustisya d’yan?

Na kanino ba talaga ang katapatan n’ya, sa bayan o sa taong nakapangyayari? Balimbing.

BONUS I:

Sa isyu ng rape joke ni He-Who-Must-Not-Be-Named, sinabi ni Miriam ito:

If the people do not like the remark, they can express it through the ballot but otherwise he has the right to free expression.

May point si Mareng Miriam, but she should know better that free speech/expression (enshrined in our 1987 Constitution through Sec. 4 Art. III) is not absolute. Kung paiiralin lang natin lagi ang free speech, edi siraan na natin lahat ng tao, sumigaw na tayo ng “Sunog! Sunog!” sa loob ng sinehan, murahin na natin yung mga boss natin.

Tinuro po ‘yan sa UP, Madam Senator. Ang kalayaan ay may hangganan, kaya nga tayo may batas, di ba, former judge and law professor Sen. Miriam?

BONUS II

May magandang anecdote akong alam sa pagitan nina Sen. Miriam at Sen. Raul Roco. Basahin mo na lang ‘to.

BONUS III

‘Wag din natin kalimutan ang isang pinasikat na quote ni Mareng Miriam: I lied. Hahaha! For reference, click photo below.

miriam defensor santiago quotes