Still, no to INC’s bloc vote

by Sankage Steno

Oo, alam kong si PNoy ang inendorso ng INC noong 2010 elections, pero di ‘yon ang dahilan kaya nanalo si Noynoy at di rin ‘yon ang dahilan kung bakit ko s’ya binoto.

Ang nagpanalo kay PNoy ay yung mga Pinoy. Inendorso rin kaya ng INC si Mar noong 2010, nanalo ba s’ya? Hinde. Nilamon s’ya ng 500,000+ votes for Binay. Kaya hindi porke inendorso ng INC e sure win ka na.

Dalawa lang naman yung nakikita kong dahilan para suportahan ng INC ang isang kandidato: 1) Malakas ito sa survey (kaya ‘pag nanalo, sasabihin Iglesia ang dahilan. Aysows.) 2) Malaki ang naibigay ng kandidato. (Yes po, may pera po talagang involved dito. Baka pati posisyon sa gobyerno, nakasanla na rin.)

Kaya parang sinisilaban yung pwet ko sa inis dito sa aking grandiose office space na may grandiose view dahil nabalitaan kong nakipagkita kaninang umaga si PNoy kay Eduardo Manalo sa grandiose Disney Castle nito sa may Commonwealth Avenue. Alam na naman natin kung ano ang dahilan. ‘Wag na tayong magbolahan pa.

Sabi ni PNoy sa ambush interview sa kanya ng mga reporter, nagpasalamat lang daw s’ya sa suporta ng INC sa kanyang administrasyon. At ito yung pang-Miss Universe n’yang sagot sa mga nang-ambush sa kanya:

Talaga namang nadama natin ang suporta (ng INC) throughout the administration and even before I have been in office.

Ulul! Anong nadama ang suporta? Nakalimutan mo na ba yung ginawa ng mga kampon ni Manalo kay De Lima noong August last year? Nakalimutan mo na ba yung perwisyong idinulot ng mga kampon ni Manalo sa EDSA wala pang isang taon ang nakakalipas? Ang dali talaga nating makalimot, hano?

Kayo lang. Don’t me!

Kinastigo ko na kayong mga kampon ni Manalo, maraming beses na, pero di ako titigil hanggat di ninyo nauunawaan ang nakasaad sa Sec. 6 Art. II ng 1987 Constitution. And I quote forevermore:

The separation of Church and State shall be inviolable.

IN. VI. O. LA. BLE. Sa Filipino, HINDI DAPAT LABAGIN.

E bakit paulit-ulit na nilalabag ito ng INC? Bakit ito nilabag ni PNoy? Bakit nilabag ito ni Duterte? Bakit ito nilabag ni Poe? Bakit nilabag ito ni Santiago? Bakit ito nilabag ni Binay? Bakit nilabag ito ni Roxas?

Paulit-ulit po tayo. Nakakainis. Ano bang malabo sa “inviolable?” Sasabihin nila, “E meeting lang naman. We did not talk about the elections at all.” Ulul mo po again. Pare-pareho kayong mga ungas. Kaya lalong lumalaki ang ulo ng mga astronauts na ‘to e. Pinalalakas n’yo na nga ang impluwensya, pinayayaman n’yo pa sa mga suhol n’yo.

Dumarami tuloy yung mga space ship sa buong mundo. How I wish matuloy na ang Paghuhukom nang makalayas na sa Planet Earth itong kulto na ‘to. (Opo, may naniniwala rito. May kakilala akong INC member at s’ya mismo nagsabing may ganitong tinuturo sa kanila. E di wow. Kayo na maliligtas. Go! Leave us!)

SIDE NOTE: ‘Wag po nating kalimutan ang ginawa ng mga kampon ni Manalo sa mga biktima ng bagyong Yolanda noong 2013.

Kayo talagang mga pulitiko, oo. Same-same. Mga gunggong. Hanggat may tumatangkilik sa INC, lalo lang magiging kupal yung mga ‘yan. Pero, naisip ko rin naman, hanggat may bloc voting, di rin mapipigilan ‘tong mga pulitiko na maglaway sa basbas ni Manalo. Kuma-catch-22.