Marians for Duterte

by Sankage Steno

Sa mga kakilala kong Marians na sumusuporta kay Lord and Savior Digong, praised be Jesus and Mary! Now and forever!

Naku, tuwang-tuwa siguro sa inyo ngayon si Virgin Mary. Uy, virgin daw o, baka gustong mauna ni Mayor. Pakisabi sa tagapagligtas n’yo na birhen pa si Maria. Baka gusto n’yang matikman, dali. Pagpapalain kayo lalo ni Lord Digong kapag s’ya ang pinauna n’yo, pramis.

Nakakatuwang isipin na talagang isinasabuhay ninyo ang mga turo ng ating Alma Mater. Sa pagpili n’yo kay Lord Digong, kitang-kita ang mga values na pinapahalagahan n’yo sa buhay.

HONESTY

Bago pa lang ang campaign period, ilang beses nang sinabi ni Lord Digong na hindi s’ya tatakbo sa pagkapangulo, di ba? Nagpa-presscon pa s’ya. Ang ending, tumakbo pa rin s’ya. Grabe, so honest talaga n’ya.

Tapos, sabi n’ya, wala raw s’yang itinatagong account sa BPI, pero nung isiniwalat na ni Trillanes yung account n’ya sa BPI branch sa Julia Vargas, bigla s’yang umamin na meron nga. That is true honesty. Aamin lang siya kapag nabisto na. God bless him.

COURTESY

Sabi ni Lord Digong, bayot daw si Mar Roxas at gaga raw si Leila De Lima. Sinabi rin n’yang susunugin n’ya ang watawat ng Singapore, at ayos lang sa kanyang tapusin ang ugnayan natin sa United States at Australia. Napakamagalang po talaga ng inyong tagapagligtas.

At dahil honest nga po si Lord Digong, ayos lang na murahin n’ya ang ibang tao, lalo na yung kumakalaban sa kanya. Wala kasi silang respeto sa Mesiyas ninyo, kaya dapat lang silang murahin.

HUMILITY

Ayon din kay Lord Digong, wala raw s’yang magagarang bahay, malalaking ari-arian at mga milyones, pero gabi-gabi nating napapanood ang ads n’ya sa TV. Alam mo ba kung gaano kamahal ang isang 30-second spot sa primetime? Hundred thousands. At kung paulit-ulit pa, aabot syempre sa milyon ang halaga nito. Such humble background, ‘no?

‘Wag din nating kalilimutan ang mga bahay ni Lord Digong sa Greenhills at sa Davao City, pati na rin yung mga donors na nagreregalo sa kanya ng milyong piso kapag birthday n’ya. Hanga talaga ako sa kababaang-loob ng tagapagligtas ninyo. Sa sobrang baba, nililimusan na s’ya ng milyones.

JUSTICE

Anong uri ng hustisya nga ulit ang pinapairal ni Lord Digong? Ah, oo, ang patayin ang lahat ng maliliit na suspek sa krimen. Di na mahalaga kung mali yung mapatay, basta may napatay. Takot lang ninyong banggain ang tagapagligtas.

Kamatayan lamang ang sagot upang makamit ang kapayapaan sa bansa. Kung takot kang pumatay at hindi mo kayang pumatay, bayot ka. Hindi ka karapat-dapat maging pangulo ng bansa. Tama nga. Dahil d’yan, magsisimula na ‘kong pumatay ng mga taong susuway sa aking kagustuhan. Gusto mong unahin kita?

Ignacian Marian Leaders

Tuwang-tuwa rin marahil si Venerable Ignacia sa mga kapwa kong Marians na sumusuporta kay Lord Digong. Ang ganda ng ipinapakita nilang halimbawa sa mga bata. Nagiging matapang na sila at handang kumitil sa ngalan ng kapayapaan at kaunlaran. Ganito talaga ang itinuturo sa aming Alma Mater.

Ngayon pa lang, iminumungkahi ko na sa mga madreng nagpapatakbo ng school namin na ipagdasal ang beatification of Lord Digong araw-araw tuwing flag ceremony. Palitan na rin natin ang pangalan ng ating Alma Mater. Sa dami ng kakilala kong Marians na boboto kay Lord Digong, dapat siguro gawin nang St. Digong College ang ating paaralan.

Sabayan n’yo po ako:

The school we love, St. Digong is his name
He stands a statue great and strong
He holds our hands and guides us through this world
By killing all petty criminals
He molds our souls by teaching us to curse
He molds and touches our bodies too
He’s all what a father is
He’s our beloved St. Digong

Let’s hold him high and lift him to the heights
Let’s fight for him and love him despite his sins
Now open your hearts to him, dear St. Digong
St. Digong College, he’s a true Alma Mater dear
St. Digong College, he’s a school and home all in one
St. Digong College, let his blue and his red banner fly
Let him live in all our hearts and fists
Let St. Digong College ever live