Quasi open letter (na naman) para sa aking frenemies na walang sawa pa ring sumusuporta kay Lord Digong

by Sankage Steno

Dear Duterte fan,

Alam ko na kung pa’no ka mag-isip. Ganire: Kapag ang iboboto mo ay #MarLeni o #RoRo, ikaw ay elitista, pro-oligarchs, pro-EDSA traffic, pro-MRT problems, pro-Kidapawan clash, pro-corruption at pro-status quo.

Ang galing mo naman po sa hasty generalization. Brava!

Tapos ano po ang solusyon mo sa mga nabanggit na problema? Edi: Lord and Savior Digong.

Cue: NGEK!

Sabi nga ng isa kong kaibigan, parang ganito raw ang ginagawa ng isang Duterte fan sa isang pasyente. Ang sakit ay dengue, tapos ang ibibigay mong gamot ay chemotherapy (1000 mg/m2 of gemcitabine) o chemoradiotherapy (54 Gy plus capecitabine).

Actually, medyo hindi ako sang-ayon sa analogy na ‘yan. Mahusay s’ya masyado. Para sa akin, kayong mga sumusuporta kay Lord Digong ay may ganitong pag-iisip: Ano ang sakit ng pasyente? Dengue. Ano ang ibibigay na lunas? In 3 to 6 months, papatayin ko ang lahat ng lamok sa Pilipinas.

Ganyan ka po mag-isip.

Alam mo, hindi porke sinusuportahan ko si Mar Roxas e elitista na ako. (Mukha lang) Ayaw ko rin sa matinding traffic, sa sira-sira at siksikang MRT/LRT, sa nangyaring barilan sa Kidapawan, at sa mga magnanakaw sa gobyerno at pribadong sektor. Sino bang me gusto no’n? Ikaw talaga.

Ang gusto ko ay ipagpatuloy ang magandang nasimulan ng kasalukuyang administrasyon. Rome wasn’t built in a day, ika nga. Imposibleng masolusyonan ang lahat ng suliranin ng bansa sa loob ng anim na taon lang. E yung problema kayang iniwan nina Marcos, Erap at Arroyo, dama pa rin hanggang ngayon. Tapos ang gusto mo, solved agad in six years? Wow.

But I know you won’t accept that reason. Ikaw pa?

So by deduction method na lang ang gagawin ko (since lahat naman sila ay may baho at kapintasan sa katawan):

Hindi ko iboboto si Duterte dahil sinungaling s’ya at may itinatagong yaman. Hindi ko iboboto si Binay dahil magnanakaw s’ya. Hindi ko iboboto si Poe dahil wala s’yang alam masyado at Amerikano s’ya dati. Hindi ko iboboto si Santiago dahil may sakit s’ya at nakinabang s’ya sa pork barrel.

Walang corruption charges si Roxas. Tunay s’yang Pilipino. Alam n’ya kung pa’no patakbuhin ang bansa. May malinaw at doable s’yang plataporma. Hindi s’ya magnanakaw. Pumirma s’ya ng waiver para makita ng lahat ang kayamanan n’ya. I’m sure nagsinungaling na si Roxas, pero di kasinggrabe ng pagsisinungaling ni B or D.

Therefore, sa deduction na ginawa ko at sa lesser evil argument, nakakalamang pa rin para sa akin si Roxas kumpara sa ibang kandidato.

Ngayon, kung ang tingin mo pa rin sa akin/amin ay elitista, pro-oligarchs, pro-EDSA traffic, pro-MRT problems, pro-Kidapawan clash, pro-corruption at pro-status quo, ipaliwanag mo kung bakit. Bigyan mo na rin ako ng kandidatong may malinaw na solusyon sa mga problemang kinakaharap natin ngayon.

Tingin ko kasi si Roxas pa rin ‘yun e. Labyu.❤