Ang maniwala sa bloc vote, tanga

by Sankage Steno

INC frenemies, sabihin n’yo nga sa comment section anonymously or i-chat n’yo ako sa Facebook (pramis, di ko isisiwalat ang katauhan n’yo) kung sinusunod n’yo talaga yung mga ineendorsong kandidato ni Eduardo Manalo? Talaga bang solido ang bloc vote ninyo?

May ebidensya kasi akong hindi s’ya totoo.

Nakuha ko ang ebidensyang ito mula sa isang reliable source na itago na lang natin sa pangalang Supercalifragilisticexpialidocious. Ang may pag-aalalang sabi sa akin ni Supercalifragilisticexpialidocious, isang ibinobotong posisyon daw tuwing national elections ang makapagpapatunay na hindi totoong may bloc vote ang Iglesia.

Ilusyon lang daw ‘yon.

Nang sabihin sa akin ni Supercalifragilisticexpialidocious kung anong posisyon ‘yon, napanganga ako. Sabi ko sa sarili ko, “Oo nga, ‘no? Kung totoong may bloc vote, dapat solid na 1.5 million (or at least close to that) ang makuha nilang boto. Pero hindi e.”

Alam mo na ba kung anong posisyon iyon? Ito ay walang iba kundi ang…

PARTY-LIST

Ang pinanghahawakang party-list ng INC ay Alagad. Kung titingnan natin ang resulta ng eleksyon noong 2013, malalaman natin kung ilan ang bumoto sa Alagad at kung katumbas ba nito yung tinatantyang dami ng registered voters na INC members.

Ayon sa official tally of votes for the 2013 party-list race, ang nakuhang boto ng inendorsong party-list ng INC ay tumataginting na 27,348 (0.10 percent of total votes). Ayan po ang bloc vote nila. Sobrang lapit sa estimated 1.5 million INC voters.

Pero teka lang. May mali. Hindi lang kasi isang party-list ang inendorso ng INC noong 2013, kundi tatlo: ACT-CIS (Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support), 1-SAGIP (Social Amelioration and Genuine Intervention on Poverty) at ito ngang Alagad.

So ang naisip kong paraan para malaman kung totoo pa rin ang bloc vote ng INC, pinagsama-sama ko yung nakuhang boto ng tatlong ‘yan. Ayon sa official tally na nasa taas, ang nakuhang boto ng ACT-CIS ay 376,175 (1.32 percent) at 287,060 (1.01 percent) naman sa 1-SAGIP.

27,348 + 376,175 + 287,060 = 690,583

Napakalinaw po ng bloc vote ng INC. Noong 2013, ang total votes ng INC members (kung totoong puro INC lang ang bumoto sa mga party-list na ‘yan) ay tumataginting na 690,583 o 46 percent ng estimated 1.5 million registered voters nila.

Wala pa sa kalahati.

Hindi pa tayo sure n’yan na lahat nga ng bumoto sa mga nasabing party-list ay miyembro ng INC. Pwede kasing kahit hindi INC e binoto sila. Kung gayon, malaki ang posibilidad na mas maliit pa d’yan ang ipinagmamalaki nilang “bloc vote.”

Based on this small evidence that I got from Supercalifragilisticexpialidocious, I therefore conclude that INC’s bloc vote is just a figment of their political imagination. It. Is. Not. True. Further research is required to determine whether INC’s bloc vote is real in the local level of the elections. Baka dun sila talaga may bloc vote.

So, ang sino mang kandidatong tumatakbo sa national level na naniniwala sa bloc vote ng INC ay isang tanga.