Defense Against the Bash Arts

by Sankage Steno

Sa dami ng trending posts ko rito sa blog, pati na rin sa Facebook at minsan sa 9Gag (Remember this?), at sa dami ng natatanggap kong negative comments, sa tingin ko ay may sapat na credentials na ‘ko para magturo ng subject na ito (see title).

Hindi ko ituturo kung paano mam-bash o kung paano magpalaganap ng hatred. Alam ko namang alam na nating gawin ‘yon from the bottom of our hearts. Yin and yang lang ‘yan, mga kids. Instead, ituturo ko kung pa’no labanan ang verbal abuse and cyberbullying online.

Yes po, online lang. Iba ang dynamics kapag offline. Baka maging pisikalan na ang labanan. Sa next term ko na lang ituturo ang offline defense against the bash arts.

OK, let’s begin!

Unang-una, naniniwala akong the best defense is a good offense. Ergo, the best way to stop bullying is to stand up against a bully.

Ibig sabihin, kapag may nam-bully sa ‘yo online, i-bully mo rin. Kapag may nangutya sa ‘yo, kutyain mo rin s’ya. Kapag may humamak sa pagkatao mo, hamakin mo rin ang pagkatao nila. You fight fire with fire, pero ideally mas lakihan mo yung apoy mo. Which leads me to no. 2:

Be witty. If you can’t be witty, at least try to give the impression that you’re smart, so always be grammatically correct. Dapat wala ring typo errors.

Alam mo kasi, kapag may nambu-bully sa ‘kin at ang daming kuda, minsan hindi ko na sinasagot point by point. Hinahanapan ko na lang ng mali sa balarila at pagbabaybay n’ya para mas nakakaasar. Pero syempre mas nakakatawa pa rin kung mababasag mo s’ya sa sarili n’yang argument, parang FlipTop battle lang, ganyan.

Next, if you can’t be witty or smart, be nasty. But not too nasty, ha? Dapat within the bounds of the law pa rin. In other words, maginoo ka pa rin dapat, pero medyo bastos.

For example, may nag-comment sa akin sa blog kong Halalandian at sinabi ito:

MarBoboTalunan:

Magbaril ka na sa ulo. Nakakahiya ang pagkatalo ni MarBobo! Hahaha.

Pang-asar, di ba? Pero madali lang kontrahin ang mga ganito kabobong verbal abuse. Alam mo sinagot ko? Eto:

Ikaw ang papuputukan ko using my big gun… if you know what I mean. *wink*

Ambastos ko, ‘no? Meron pang isa. Sabi n’ya, “Butthurt si Steno.” Sagot ko, “Tirahin kita sa butt, you like?” Kung di ka confident sa balat mo, baka bumalik sa ‘yo. The key is to have the last say.

But not always. Kasi minsan, ang pinakamabisang sagot sa pang-aasar online ay silence.

Less is more, ika nga. Less words, less mistakes. Kaya mahalaga rin na ma-master mo ang art ng Dedmatology. Minsan pa nga, kahit di ka na magsalita, yung ibang tao na ang papatol at magdedepensa sa ‘yo. Kaya dapat mabait ka sa totoong buhay para marami kang friends. Dapat din lagi kang reasonable. ‘Wag puro emosyon ang pagaganahin.

Kung mataas ang EQ mo at hindi ka nagpapaapekto sa sinasabi ng iba, ikaw na! No one can ever talk you down. Ergo, dapat pataasin mo ang iyong self-esteem at dapat sanay kang ihiwalay ang real life sa social media life mo.

The Golden Rule is: Ang pikon ay talo.

BONUS

Masarap ang patola. Tikman mo.

Advertisements