Sa matatandang bobo na nabuhay noong martial law

by Sankage Steno

Mawalang-galang na po, pero gago ka po kung kasama ka sa mahigit 13M na bumoto kay Bongbong Marcos bilang VP ng Pilipinas. Hindi kayong mga millennial ang kinakausap ko (pero pwede rin kayong sumabat). Kayong mga umabot sa panahon ni Marcos Sr. ang pagsasabihan ko ngayon.

Tigil-tigilan n’yo nga ako sa pautot n’yong “The sins of the father are not the sins of the son.” Nakakarindi na. A fruit doesn’t fall far from the tree. Kung nagnakaw ang ama mo at ginamit n’ya yung ninakaw n’ya para pakainin o pag-aralin ka, kasangkapan ka sa kasalanan n’ya. Nakinabang ka kaya kasalanan mo rin ‘yon.

At bilang paunang ebidensya, isaksak mo sa baga mo ‘yang larawan sa baba. Hala, sige! Saksak mo!

Sosyal! Sinungaling naman. Magsinungaling daw ba sa Oxford degree n’ya? Nakakatawa. Akala n’ya siguro walang makakaalam ng panloloko n’ya. Don’t me!

Hoy, Sankage Steno, ambastos ng bunganga mo! Wala kang galang sa matatanda! Ganyan ka ba pinalaki ng magulang mo?

Whoa! Ngayon kasama na ang magulang ko sa usapan? E di isama rin natin ang magulang ni Bongbong kapag pinag-uusapan s’ya. Gunggong!

Bata pa si Bongbong noong martial law. Wala pa s’yang kamuwang-muwang.

A talaga? Sept. 13, 1957 pinanganak si Bongbong. Teenager na s’ya nang ideklara ng tatay n’ya yung batas militar. Ibig sabihin, kaedaran na n’ya yung mga taong pinadukot, tinorture at pinapatay ng ama n’ya. Anong walang kamuwang-muwang ka d’yan? Nagjajakol na po s’ya no’n.

At para sabihin ko sa ‘yo, noong 23 years old pa lang s’ya, naging bise-gobernador na s’ya ng Ilocos Norte (1980 to 1983). At pagkatapos ng termino n’ya, nanalo naman s’ya bilang gobernador ng nasabing lalawigan (1983 to 1986).

Ikaw, ilang taon ka nung naging gobernador ng probinsya mo? Ay, sorry, nobody ka nga pala.

E ano kung naging pulitiko s’ya sa murang edad? Inggit ka lang.

Alam naman natin siguro ang impluwensya ng ama n’ya kaya s’ya naging bise-gobernador at gobernador sa lalawigan nila, di ba? Hindi pa d’yan natatapos ang angking pribilehiyo ni Bongbong.

Noong 27 years old na s’ya, taong 1985, naging chairman of the board naman s’ya ng Philippine Communications Satellite Corp. o Philcomsat. Sumusweldo lang naman s’ya ng somewhere between $9,700 and $97,000 kada buwan. At alam mo ba ang trabaho n’ya roon?

Wala. Hindi s’ya pumapasok sa office. Kumikita lang basta. Amazing!

Edi inggit ka nga kasi kumikita s’ya kahit walang ginagawa. Ikaw, kahit habambuhay magtrabaho, di ka yayaman.

Oo, alam ko. Dahil ‘yan sa cronyism na pinalago ni Marcos Sr. Dahil din ‘yan sa talamak na korapsyon na ginawa n’ya noon. And speaking of corruption, malaki ang naging papel ng Philcomsat ni Bongbong sa pagnanakaw ng pamilya nila ng pera ng Pilipinas.

Isa ang Philcomsat sa maraming kumpanyang ginamit ng mga Marcos para ilabas ang mga nakaw na yaman nila sa bansa. Saan napunta ang pera? Sa kung saan-saang tax havens at blind trusts sa iba’t ibang panig ng mundo.

Hanggang ngayon, pilit pa ring binabawi iyon ng PCGG, at pilit din namang itinatanggi at hinaharang ni Bongbong at ng pamilya n’ya.

Puro ka satsat! Ako ang nabuhay noong panahon ng martial law, kaya ako ang mas nakakaalam ng mga nangyari noon.

Weh? Di nga? Bawal kayang magbalita ng against kay Marcos noon. Pa’no mo nalaman yung mga pagdakip at pagpatay? Pa’no mo nalaman yung mga pagnanakaw na ginawa ng pamilya n’ya? Pa’no mo nalaman yung paglaganap ng kahirapan sa bansa?

Ikaw ang walang alam! Kung may nalalaman ka man, malamang kung ano lang yung sinaksak sa utak mo ng mga Marcos na ‘yan. Tinanggap mo naman nang buong puso. Bobo!

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit mahal na mahal n’yo pa rin ang mga Marcos sa kabila ng pagpatay, pagnanakaw at paglapastangan nila sa bansa natin. Ano, nakinabang ka ba sa martial law? Isa ka ba sa mga cronies nila? O ayaw mo lang tanggapin ang katotohanan dahil isa kang malaking tanga?

Kung kelan tumanda…