Ex-Men

by Sankage Steno

Nakakatuwa na nakakabagot yung comments ng ilang fans ko rito sa blog. Simula kasi nang matalo yung manok ko sa presidential election, di matigil-tigil yung pang-aalaska sa akin ng ilang readers ko. At ang madalas nilang pang-asar ngayon: Stenong Bakla.

Jusko, paulit-ulit na lang. As if naman hindi ko pa alam sa sarili kong bakla ako since the beginning of time. Para po sa inyong kaalaman, hindi pa ginagawa ng diyos sina Eba at Adan, bakla na ‘ko. Ganun po katindi ang awareness ko sa aking sexuality.

Pustahan tayo, may magko-comment ulit dito ng “Stenong bakla,” “Mahilig sa titi,” “Chupain mo na si Mar” o kahit ano pang variations ng mga ‘yan.

Porke bakla mahilig na agad sa titi? Di ba pwedeng mahilig sa sarili? Charaught.

Kahit anong topic kasi ang isulat ko ngayon, kung babalikan mo yung mga blog ko these past few days, hindi talaga mawawala ang comment tungkol sa pagiging bakla ko. Kaya feeling ko, kapag nagsulat ako tungkol sa politics, Stenong bakla. Kapag nagsulat ako about religion, Stenong bakla. Kapag nagkwento ako ng experience ko, Stenong bakla.

Default comment na po s’ya ng trolls ko rito. Yun ang nakakabagot.

Hindi naman ako napipikon. Impak, natutuwa pa nga ako sa sarili ko dahil hindi na ‘ko affected masyado, unlike nung hindi pa ‘ko out. Ngayon, pakiramdam ko, award s’ya. Parang medals ko tuwing recognition day sa katapusan ng school year. Yung binabandera ko pa sa harap ng maraming tao sa sobrang proud ko. Ganern.

Dahil nag-level up na ‘ko at hindi na ‘ko overly sensitive sa mga ganitong pagpuna sa pagkatao ko, I decided to reward myself tonight. Manonood ako ng X-Men Apocalypse! Yehey! Saktong-sakto, di ba? Perfect para sa sexuality ko.

Pero lilinawin ko lang: Hindi po ako dating “man.” Biologically, XY pa rin ang chromosomes ko. Heterogametic sex. Hindi pa rin s’ya nagbabago. Lalaking-lalaki pa rin. Alpha male, ganyan. Chos. Pero gender-wise, bakla ako. Nu ba! Paulit-ulit. Homosexual.

Natatawa lang ako sa X-Men, very gay-friendly kasi ng title, ‘no?

Advertisements