Nasaan si Conrado?

by Sankage Steno

Na-ischemic stroke ba si Conrado de Quiros? Asan na s’ya? Ilang taon ko nang inaabangan ang pagbabalik n’ya sa PDI, waley pa rin. Babalik pa ba s’ya? Buhay pa ba s’ya? Alam ko buhay pa s’ya, may sakit lang. Masyado yatang ine-enjoy yung SSS pension n’ya. Thanks, bro.

Nababahala kasi ako dahil kung di na s’ya makapagsulat, ibig sabihin, hindi na n’ya maigalaw yung kamay n’ya or baka hindi na n’ya magamit yung kanyang frontal lobe. Isa na ba s’yang lantang gulay? *Knock on wood*

High school pa lang kasi ako, binabasa ko na yung ibang sulat ni Conrado. Kung tama pagkakaalala ko, ginagamit (read: pine-plagiarize) ko rin yung ideas n’ya kapag lumalaban ako ng writing contests noon. Nakakatawa kasi s’yang magsulat, pero kritikal at malaman. Backed by facts, ganyan. At ‘pag sinabing facts, dapat verifiable, not of the Mocha Uson variety.

Speaking of facts, syempre ginoogle ko kung ano na nangyari kay Conrado. Ayun, na-coma daw dahil nga sa stroke. Tama pala hula ko. Nakakalungkot. Sana makabalik pa s’ya sa pagsusulat. Kung di na, sana ako na lang yung pumalit sa column n’ya. Charot.

Hindi ako kasinghusay n’ya sa pagsusulat ng opinyon sa Ingles, pero feeling ko kaya ko namang tapatan yung talino n’ya. At dahil bata pa naman ako (relatively), marami pa ‘kong time para tumalino at humusay. Sana lang ‘wag akong ma-stroke agad. Pramis, babawasan ko na ang paninigarilyo at pagkain ng matatamis.

Kung di ako qualified, sana makahanap yung PDI ng mahusay na kapalit. Feeling ko kasi ang laki ng nawala sa column pages nila nung nahinto si Conrado sa pagsusulat in late 2014. Grabe, time flies.

Dear reader, kung hindi mo kilala si Conrado, it’s about time na simulan mo nang mag-backread sa mga gawa n’ya. Google mo lang yung There’s The Rub na pamagat ng column n’ya sa Inquirer. Ayun, bahala ka nang mamili ng mga sinulat n’ya. Wala akong ire-recommend, basta magbasa ka na lang.