Umiyak ka na lang

by Sankage Steno

Dun sa inatenan kong kasal noong Sabado sa Baguio, pagka-reveal ng bride at habang naglalakad s’ya sa aisle, ganito yung reaksyon ko:😥

Pagkalingon ko naman sa altar, nakita ko yung groom na umiiyak. As in masaganang luha, pero hindi naman awkward. Gwapo ngang tingnan e. Lakas makadagdag ng pogi points. Ganito na yung naging reaksyon ko after: T_T

Nagpipigil pa ‘ko nung lagay na ‘yan. Parang ganito:

Yung isa namang kasal na pinuntahan ko sa Tagaytay two weeks earlier, mangiyak-ngiyak din yung lalaki habang binabasa yung wedding vow n’ya for the bride. As in nag-break talaga yung boses n’ya, pero hindi naman awkward. Gwapo ngang pakinggan e. Lakas makadagdag ng pogi points.

Hindi naman ako naiyak sa puntong ‘yon dahil inunahan ko na ng kadaldalan ko. Nag-joke-joke ako sa mga katabi ko at nagtatatawa kunwari para hindi ako madala masyado sa palitan ng vows. Pero ang totoo, gusto ko na ring maiyak talaga. Parang ganito:

Na-amaze lang ako kasi halos lahat ng inaatenan kong kasal ng mga kaibigan, laging lalaki yung mas emosyonal. Or siguro mas emosyonal talaga yung babae pero dahil mas madalas mo silang makitang umiyak, ang laking bagay tuloy ‘pag yung lalaki naman ang nakita mo. Siguro, ewan. Basta na-amaze ako.

Naisip ko tuloy, maiiyak din kaya ako kapag kinasal ako balang araw? Tapos naisip ko na lang bigla, wala nga pala akong boyfriend. At wala nga palang same-sex marriage dito sa Pilipinas. Taragis na mundo ‘to, oo.

Iiiyak ko na lang ‘to.