Ihanda na natin ang ating kalooban

by Sankage Steno

Mamamatay na si Miriam Defensor-Santiago. Yun e kung susundan natin yung trend ng news na natunghayan natin kina Cory Aquino, Pope John Paul II, Raul Roco, atbp. Pero, syempre, hindi ko naman hinihiling na mamatay s’ya, nukaba. Malay mo nga magmilagro at humaba pa ang buhay n’ya.

Yun nga lang, sa lagay n’yang ‘yan, e talagang mahirap maniwalang aabot pa s’ya sa 2017. May kutob nga akong baka hindi na umabot ng July itong si Mareng Miriam. Kutob ko lang naman. Madalas naman e mali yung kutob ko pagdating sa pag-ibig. Pagdating sa kamatayan, so-so.

Alam mo, bibihira lang ang nakakaligtas sa stage 4 na cancer, at yung fact na sumali pa s’ya sa isang clinical trial for a “wonder drug” e lalo lang nagpalakas ng paniniwala kong desperada na s’ya at talagang malapit nang mamatay. Isa ‘yon sa maraming dahilan kung bakit di ko rin s’ya binoto sa huling eleksyon.

Anyway, yung sinasabi n’yang clinical trial e napaka-dubious. I mean, kung sinasabi n’yang effective yung drug sa clinical trial, bakit s’ya sinugod bigla sa ICU noong Lunes? At gaano s’ya kasiguradong yung experimental drug nga ang natanggap n’ya at hindi placebo? Ang pagkakaalam ko, blind yung participants sa matatanggap nilang treatment sa clinical trial.

Physician-scientist-researchers, please correct me if I’m wrong.

I know, ang sama ng tunog ko sa mga pinagsasasabi ko, pero let’s accept the reality na ang chance na mamatay si Mareng Miriam ay napakalaki. Kaya sa tingin ko e naghahanda na rin ng mga materyales ang mga media outfit para sa kanilang news and features kung sakaling matigok na nga ang three-time presidential candidate.

Malakas din ang kutob kong kapag pumanaw na s’ya, ipapalabas ulit ng ABS-CBN yung two-part MMK episode ni Miriam na pinagbidahan ni Tessie Tomas.

Sorry talaga ha kung napaka-morbid ng dating ko sa ‘yo. Ganito talaga ako sa mga ganitong klaseng balita, kapag nakikini-kinita kong malapit nang mawala sa mundo ang isang tao. E sa ‘yun ang napapansin ko, anong magagawa ko? I can’t resist the urge to share this pseudo-prophetic skill I possess with my readers.ย Malay mo magamit mo rin sa ibang tao.

In the meantime, ihanda na natin ang ating kalooban sa nalalapit na pagpanaw ni Mareng Miriam. That didn’t sound right. I’m sorry and I hope I’m wrong about everything I wrote here.

Advertisements