Lulu

by Sankage Steno

Na-try mo na bang manood ng sine na hindi mo alam kung tungkol saan yung papanoorin mo? Ginawa ko kahapon. Pumunta ako sa Greenbelt 3 right after work, ta’s nagbayad ako ng ticket sa French Film Festival na sakto sa oras ko at saka nanood nang mag-isa. Huhu.

Wala talaga akong idea kung ano yung palabas. Noon ko lang nalaman yung title (La Belle Saison), di ko napanood yung trailer at wala akong nabasang synopsis o review n’ya. Medyo exciting naman. Na-enjoy ko, in fairview.

Laking gulat ko na lang na yung napili ko palang panoorin e tungkol sa lesbian lovers. Okay, medyo O.A. yung “laking gulat” pero never pa kasi akong nakapanood ng hardcore na laplapan ng dalawang babae from start to end. Marami na ‘kong napanood na gay film at porn, pati hetero stuff, pero not lesbian.

Nawindang ako dahil andami ko pa palang hindi alam sa sekswalidad ng tao. Dapat siguro mag-enroll ulit ako sa UP at kumuha ng kursong queer theory o sex education.

Anyway, eto yung takeaway ko kagabi: May idea na ‘ko kung ano yung pakiramdam ng mga straight people kapag nakakakita sila ng dalawang lalaking nagkakantutan.

Let me explain further. Alam kong may mga lalaking nag-e-enjoy kapag nakakakita ng dalawang babaeng nagse-sex. Alam ko ring may mga babaeng naa-arouse kapag nakakapanood ng dalawang lalaking nag-eespadahan. Kanya-kanyang trip ‘yan. Pero hindi pala malinaw sa akin yung uneasy feeling kapag nakakasaksi ng sex sa pagitan ng dalawang taong “queer.”

Bilang isang bakla, syempre, komportable akong makakita ng dalawang lalaking nagtatalik. Sanay na rin akong makakita ng heterosexual intercourse, naman! Maraming beses na rin akong nakapanood ng dalawang babaeng naghahalikan, pero hindi yung hardcore sex. Kaya ako “nabigla.”

Buti na lang bukas yung pag-iisip ko sa ganyang mga bagay. Pero napahiya rin ako nang slight sa sarili ko kasi akala ko wala nang makakagulat sa ‘kin pagdating sa usaping sex. Maling-mali pala ako. Dapat siguro e panoorin ko na yung Blue Is The Warmest Color at iba pang lesbian film.

But before that, let me take this opportunity to apologize to my lesbian sisterettes. I’m sorry dahil hindi ko pa pala kayo ganun kakilala. Paumanhin dahil ikinagulat ko pa ang pagtatalik ng dalawang babae. Pasensya na kung hindi ako nag-e-effort masyado na kilalanin pa kayo lalo.

Masyado kasi akong naka-focus sa pagkabakla ko kaya ‘yun at ‘yun lang ang naipaglalaban ko madalas, pero rest assured na lagi naman kayong kasama sa mga ipinaglalaban ko sa buhay. Lahat ng miyembro ng LGBTQ community, at lahat ng letter na maikakabit pa sa pamayanang ‘yan. I learned my lesson, sana mas matuto pa ‘ko, tayo.