Tama na please, Derek Ramsay

by Sankage Steno

Kung di mo pa napapanood sa sinehan yung The Conjuring 2, panoorin mo na. Ang ganda, sobrang sulit. Kung di ka masyadong natakot sa part 1, for sure dito bibigay ka na. Mapapa-Ayyy! ka, pramis.

Ang galing ni Direk James Wan. Fan na ‘ko officially. Pansinin n’yo yung galaw ng camera sa iba’t ibang scenes. Ang husay ng iba’t ibang techniques na ginamit n’ya para lalong madagdagan yung takot at kaba mo. At pansinin mo rin yung music at sound effects c/o Bishara. Ang astig, grabe.

Pero yung part talaga na napapikit ako e hindi galing dun sa Conjuring. Pumikit ako at nagtakip ng tenga bago pa magsimula yung pelikula, nung pinapalabas na yung “Piracy is a crime” short film ni Derek Ramsay. Actually, kahit anong pelikula ang panoorin ko sa sine, lagi akong pumipikit at nagtatakip ng tenga kapag isinalang na yung anti-camcording ad campaign na ‘yon.

I’m sure ilang beses mo na ring nakita ‘yon kung madalas kang nanonood sa sinehan. I won’t describe it anymore. Just watch it here at your own risk.

Unang-una, nakakasawa na s’ya. Jusko. E lagi pa naman akong nanonood ng sine, halos linggo-linggo. This last week, tatlong beses akong nanood ng pelikula sa sinehan, pero buti twice ko lang s’yang nakita. Nagpa-late ako nang konti sa isang pinanood ko para di ko na mapanood si Derek Ramsay at yung mga supporting actors at extra na nakakabwisit.

Which leads me to my second reason kung bakit ako pumipikit at nagtatakip ng tenga: napakapangit kasi ng acting nila. Si Derek at yung nagka-camcord na kontrabida, okay lang. Pero yung babaeng sidekick at yung dalawa pang extrang babae (yung may hawak na popcorn at yung may dalang mga kamatis na parehong binunggo ng suspek), nakakairita yung pag-arte. Cringe-worthy talaga.

Pangatlo, masyado s’yang mahaba for an ad. Sana ginawa na lang nilang 30-seconder infomercial at hindi 2-minute “short film.” Pwede mo namang iparating yung mensahe mo in a creative way nang hindi nag-i-intrude masyado sa utak. Para s’ya kasing earworm o LSS ng isang napakapangit na novelty song o ad campaign jingle.

Kung sino man ang may pakana nito, please tanggalin o palitan n’yo na. Alam na naming piracy is stealing and stealing is a crime, pero hindi namin alam kung pa’no makakatakas sa nakakabwisit na ad campaign na ‘yan. Stop it, please!

Besides, wala naman sa mga sinehan dito yung mga namimirata. Andun sila sa China karamihan, at yung iba nasa mga distribution company mismo. May mga taong kumokopya ng pelikula roon, HD o Bluray pa. Kaya ‘wag kaming mga regular moviegoers and patrons ang pagsabihan at bwisitin n’yo. Don’t us!