Fête dela Musique: Pupunta ka ba?

by Sankage Steno

World Music Day daw yung translation n’yan. Pinaalala lang ng isa kong friend na sa Sabado na s’ya, although hindi ko sure kung drawing s’ya o magiging totoo. Anyway, interesado akong pumunta para makapakinig ng iba’t ibang klaseng music. Ikaw ba?

Problema ko lang ngayon e kung aling bar ang pupuntahan ko at kung sino-sino ang dapat kong isama o kung mag-isa lang ba ako o kung dun lang sa trip ng kaibigan kong nag-aya ako dapat pumunta. I dunno.

Ta’s ang hirap ding mamili ng type of music na pupuntahan ko. Napakarami kasi. Merong acoustic, reggae, house, techno, drum n bass, disco, soul, funk, indie, rock, folk, punk, blues, jazz, experimental, hip hop, rnb, etc.

Kaya hihingi ako ng tulong sa iyo ngayon. Alin ba d’yan ang mairerekomenda mo sa ‘kin? Baka kasi may kakilala kang tutugtog o may alam na magaling na musician at gusto mong pakinggan ko, sabihin mo lang. Baka rin naman wala kang makasama, tara gimik tayo.

Sa ngayon, ang trip kong puntahan e yung jazz, reggae, acoustic at world music, pero baka kasi mas okay kung magfo-focus lang ako sa isa. Pero dahil iba-iba naman yung time slot n’ya, pwede kong gawing tigdadalawang oras lang ang ilalaan per type of music.

Nga pala, sa Makati lang ito lahat. Perfect s’ya kasi tagaroon ako. Pwede ko lang lakarin lahat ng venue.

Yun lang naman. Humihingi lang ako ng suggestion sa type of music o kung sinong artist ang must see sa event na ‘yan. I don’t care much sa type of crowd na makakasalamuha ko sa venue. Me pagkahunyango naman ako. I can adapt to any subculture or type of people. Naks. Hindi, poser lang talaga ako minsan.

At makapal ang mukha.

Sana matulungan mo ‘ko at sana makapunta ka rin para makapag-bonding tayo nang konti. See you and thanks!