Finding me before you

by Sankage Steno

Bago ako manood ng Finding Dory, gusto ko lang sabihin na muntik na ‘kong maglaslas ng pulso kagabi sa sinehan habang nanonood ng Me Before You.

Tangina kasi yung mga babaeng nanonood, panay ang “Eeeeehhh!” Akala mong sinusundot ng kung ano sa kepay. Every five minutes yata kinikilig. Gusto ko na talagang ibalibag sila sa banyo at ikulong do’n hanggang sa matapos yung pelikula. Buti nagpakabait ako. Ibinulsa ko na lang yung galit ko. Buti wala akong dalang blade sa bulsa.

Commercial: Pa’no natatagalan ng mga straight na lalaki yung mga ganung klaseng girlfriend? Jusko. Buti hindi ako straight. At kung sakaling magkakaroon ako ng ganung boyfriend, ipanalangin nating mahal ko s’ya dahil kung hinde, alam na.

Commercial 2: Ayan po s’ya. Wala pa ngang boyfriend, kung anu-ano nang ini-imagine. Kaya ka single e. (Pakyu ka po, epal na konsensya.)

Sorry, pero hindi ako nagandahan sa pelikulang ‘yan. Hindi kasi ako fan masyado ng mga romantic movies ng Star Cinema, pero may ilan naman akong gusto like One More Chance at My Amnesia Girl. Eto kasing Me Before You, ka-formula ng mga pelikula ni Cathy Garcia-Molina at Bb. Joyce Bernal. Di ko type.

Typical girl meets boy story na namatay yung isa sa dulo. (Oops, sorry sa spoiler.) Mayaman yung boy tapos mahirap yung girl. Galit sa mundo yung boy tapos sobrang kalog ni girl. Hay, wala talagang bago. Natagalan ko lang s’ya dahil magaganda yung setting sa pelikula at sayang yung P220 na binayad ko plus P115 sa popcorn at inumin.

Dapat pala Central Intelligence Now You See Me 2 na lang yung pinanood ko. O kaya dapat ipinambili ko na lang ng libro ni Raissa Robles about martial law.

Anyway, enjoy naman yung mga kasama ko kagabi. Masaya naman silang kasama at mukhang nagustuhan nila yung pelikula kaya okay na rin sa ‘kin. Gudlak na lang kung mag-isa ulit akong nanood tapos bwisit na bwisit pa ‘ko sa mga tao sa loob ng sinehan. Baka talaga naglaslas na ‘ko ng pulso nang tuluyan.

Tingin ko naman e hindi mauulit yung nangyari kagabi kapag nanood ako ng Finding Dory mamaya. Di naman s’ya romantic flick, jusme. Kapag meron pa rin akong narinig na kinikilig, bubusalan ko talaga ng popcorn yung bunganga n’ya.

Commercial 3: Jusmiyo, malalagasan na naman ako ng P200, pwera pa pagkain. Buti wala akong nililigawan ngayon. Kundi, tagtuyot na naman. Sana may manlibre naman d’yan na pwede kong i-boyfriend.

Commercial 4: Ayan po s’ya. Nag-iilusyon na naman. Sinabi nang tigilan ang pagpapantasya sa love life, ayaw pa ring maglubay. Kaya ka single forever e. (Pakyu ka po forever, epal na konsensya.)