Anong pantakbo ang maganda?

by Sankage Steno

Sira na kasi yung pinantatakbo kong sapatos kaya pinag-iisipan kong bumili mamaya. Fila yung una kong nabili, e kaso di pala maganda yung suwelas n’ya, madaling masira. Tumitingin ako ngayon sa internet, pero parang pare-pareho lang naman ng features.

Iniisip ko kung New Balance o Saucony yung bibilhin ko. Maganda kasi yung review sa kanila pero di ko masyadong feel yung hitsura. Pwede rin naman yung Adidas o Nike, kaso andami nang gumagamit no’n. Gusto ko e medyo kakaiba yung sapatos ko. Kung World Balance na lang kaya para mura? Why not, poknat?

Kung may maisa-suggest ka, fire away.

‘Wag mong intindihin yung budget ko. May nakalaan na ‘kong pera para rito. Joke. Wala pa talaga. Pero dahil kakasweldo lang, feeling hari pa ‘ko ngayon. Next week balik na ulit sa pagiging uring manggagawa. Potangines lang, di ba?

Ang totoo n’yan, medyo matagal na rin nung huli kong takbo. Di naman kasi ako mahilig magsasali sa mga marathon. Tumatakbo lang ako kapag nababasted o nade-depress. E ngayon, feeling ko, kapag hindi pa ‘ko nakahanap ng lalaking magpapasaya sa ‘kin e mahuhulog na naman ako sa depression.

(‘Wag mo na ‘kong sermonan, please.)

Alam mo kasi, maraming kaakibat na sakit ang depression. Maliban sa hindi ka makakapag-function nang maayos sa araw-araw, pwede ka ring magka-myocardial infarction o ischemic stroke. Maaari ring bumagsak ang immune system mo, so madali kang kakapitan ng mga virus na magdudulot ng maraming sakit.

In short, ayokong magkasakit dahil sa depression ko. Magastos, nakaka-stress at sayang ang kagwapuhan ko. Nakakatanda¬†kaya ‘yun. Ultimately, ayoko pang mamatay. Kung tatanda akong single, so be it. Basta ayoko pang madeds.

(Magiging pangulo pa ‘ko ng Pilipinas sa 2040.)

Ayun lang naman. Kung anu-ano na naman ang pinagsasatsat ko rito. Nagtatanong lang naman ako ng magandang brand ng running shoes. I-comment mo lang dito o sa Facebook. Kung alam mo naman yung number ko, I will be one call away. But I won’t save the day. Sariling day ko nga di ko ma-save-save e. Lels.