Kung gusto mo lang namang magpakamatay

by Sankage Steno

Uy, alam mo bang may bagong Facebook feature nang magagamit laban sa ‘kin yung mga kaaway ko rito sa internet? Meron na kasi silang suicide prevention tool, pero di ko lang sure kung available na s’ya sa Pilipinas. Di pa kasi ako nag-a-update ng app kaya wit ko knows.

Parang magre-report o magba-block ka lang ng post, tulad ng ginawa ng mga trolls kina Raissa Robles at Ed Lingao. Ang kaibahan lang ngayon, pwede mo nang i-report yung post kung sa tingin mo e yung kaibigan mong nag-post nun e nagbabalak saktan ang sarili o, worse, balak magpakamatay.

May choice ka kung directly kang magri-reach out sa kanya o hahayaan mo na lang yung Facebook ang tumulong. Ang pinakamaganda rito, anonymous ka, unless na lang kung kakausapin mo nga yung friend mong may suicidal thoughts.

I’m sure gagamitin na naman ‘to ng mga kampon ni Mocha Uson at Even Demata, pati na rin yung mga kaaway ko rito. So exciting! Pero, don’t forget, pwede ko ring gamitin ‘tong bagong Facebook tool sa kanila. Lahat ng post nila e ire-report ko as suicidal. Saya, di ba?

Now don’t think na ansama ko na porke ire-report ko yung mga post nila as suicidal. Hindi po lahat ng suicides ay masama. Para sa iyong kaalaman, meron po tayong apat na uri ng pagpapakamatay ayon kay Emile Durkheim.

Kilala mo ba s’ya?

Si Durkheim ay isang French sociologist, social psychologist at philosopher. S’ya rin ang itinuturing na “Father of Sociology.” Taray, di ba? Akala ko si Randy David ‘yon. Di pala. Sayang.

Anyway, eto yung sinasabi ni Durkheim na apat na uri ng pagpapakamatay:

1. Egoistic – Ito yung mga nagpapakamatay dahil pakiramdam nila e wala na silang silbi sa lipunan. Tingin nila sa sarili e outcast, out of place. Hindi lang sila basta nasa laylayan ng lipunan, mga patapon na talaga. At least that’s how they see themselves.

2. Anomic – Halimbawa nito e yung mga sikat na taong nagpapakamatay dahil sa pagkadismaya. Mula ito sa salitang ‘anomie’ na tumutukoy sa kalagayan kung saan ang lipunan ay salat o kulang sa pamantayan o gabay para sa wastong pamumuhay ng isang tao. Basta imba s’ya … imbalance.

3. Fatalistic – Ito yung pinakakaraniwan nating nababalitaan. Sila yung mga nagpapakamatay dahil sa sobrang hirap ng buhay o matinding pagpapahirap sa kanila ng kung sino o ano man. Parang yung kay Kristel Tejada sa UP, remember?

4. Altruistic – Ito yung gusto ko. Ito yung pagpapakamatay na ginagawa ng mga bayani. In other words, iaalay mo yung buhay mo para sa kapakanan ng iba. Hal., sasanggahin mo yung bala para di mapatay yung mahal mo sa buhay o lulusubin mo yung mga mananakop para ipagtanggol ang iyong bayan.

Ganern.

Therefore, kapag kinwestyon ako ng Facebook sa report ko, pwede kong sabihin na, “I thought his post was a warning sign of altruistic suicidal thoughts. He particularly said, ‘Para sa bayan, disiplina!’ so I flagged it. I don’t want him to die yet.”

Palusot.com! Haha! Patay tayo d’yan.