Second-rate, trying-hard na Marcos itong si Mayor

by Sankage Steno

Di ba sinabi ko na noon pang fan ni Marcos itong si Mayor (kahit pa kinalaban ng ina n’ya ang diktador noon)? Hindi na rin tuloy katakataka kung gagayahin nito yung mga ginawa noon ng ama ng kaibigan niyang si Bongbong Loser.

Heto nga’t nagsisimula na s’ya kahit di pa s’ya opisyal na nanunungkulan bilang pangulo ng bansa. Tulad ni Marcos na pinasara ang maraming media outfit sa bansa maliban sa iilang kontrolado n’ya, itong si Mayor ay inaaway na rin ang mga journalist natin. Halos iendorso pa nga n’ya yung pagpatay sa mga mamamahayag kung sila e “son of a bitch,” di ba?

Inudyukan din n’ya yung mga media workers na ‘wag s’yang i-cover. To be exact, eto yung sinabi n’ya:

Putang ina sinabi ko mga ugok, putang ina I can lose the presidency, my life, my honor. Just don’t fuck with me. Huwag niyo na akong takutin. Boycott, boycott, leche kayo, edi mag-boycott kayo!

Nakakatawa, ‘no? Parang batang inagawan ng kendi o batang hindi isinali sa laro ng magkakaibigan. Immature much. Pero ganyan talaga si Mayor. D’yan s’ya magaling at d’yan s’ya minahal ng mga tao, except me and more than 60 percent of Filipinos who did not vote for him.

At sa pagpapatuloy ng hidwaan nina Mayor at ng PH Media, pinagbawalan na rin n’ya ang huli na i-cover ang kanyang inauguration sa Malacañang sa darating na ika-30 ng Hunyo. Ayon sa kanyang incoming Presidential Communications Operations Office head na si Martin Andanar, PTV4 at RTVM lang ang papayagang mag-cover.

E di wow.

Itong pambabastos at pagmamasama ni Mayor sa media e panimula pa lang ng kanyang iron-fisted rule. Tawagin natin itong tagpong ito na “ante-authoritarianism.” (Opo, imbento ko lang ‘yan, pero mukha naman legit, ‘no? Tanggapin mo na lang.)

Sabi ni Lolo Amando sa kanyang opinion piece sa Inquirer, kupal daw itong si Mayor. JK. Ako lang nagsabi no’n. Ito talaga ang tunay n’yang pahayag ukol sa “coercion” at “harassment” na ginagawa ng susunod na pangulo sa ating mga mamamahayag:

No incoming President has mounted such a  dangerous challenge to the media since the dictatorship of President Ferdinand Marcos.

See? Hindi lang ako ang nag-iisip na gaya-gaya putomaya kay Marcos itong si Mayor.

Maliban sa pakikipag-away sa media, ramdam na rin ngayon yung tinatawag na “Duterte Effect.” Sunud-sunod kasi yung mga balita tungkol sa mga pinaghihinalaang drug pushers na pinapatay ng pulis. Feeling ko agenda-setting o mind-conditioning lang ‘to ng media, pero totoo namang nangyayari. Hihintayin ko na lang yung PNP kapag naglabas na ulit sila ng record ng crime index sa bansa.

Bukod pa rito, ang isa pang senyales ng pagbabalik ng diktadurya e yung kakapalan ng mukha nitong si Gov. Eduardo Yap ng Management Association of the Philippines (MAP). Sabi n’ya kasi matapos dumaan sa EDSA (for the first time, I think), dapat daw bigyan ng emergency power si Mayor para malutas ang problema sa trapik.

Sabi ng mga bumubuo ng MAP sa isang pahayag na inilabas nila:

There must be an issuance of an executive order to declare that a transportation and traffic crisis exists in Metro Manila and, with the concurrence of Congress, secure emergency powers for the President to address the crisis by mobilizing all government resources and undertaking necessary measures unhampered by appointment, procurement, budgetary and Commission on Audit regulations during its presidency.

Alam mo, Eduardo, hindi kailangan ng emergency powers para malutas ang hellish traffic sa Metro Manila. Ang kailangan e mahigpit na pagpapatupad ng mga existing na batas-trapiko at, sang-ayon dito sina Tito Randy David at Tita Ninotchka Rosca, pigilan ang walang humpay na pagbebenta ng mga sasakyan.

Hindi ko lang alam kung tototohanin ng “supermajority” sa Congress ang pagbibigay ng emergency powers kay Mayor. Sana hindi. Dahil kung magkakatotoo ‘to, hindi malayong bigyan din s’ya ng mas malaki pang kapangyarihan para naman sugpuin ang kriminalidad sa bansa. Remember his preposterous campaign promise?

Kapag nangyari ‘to, idagdag mo pa na pwedeng mabago ulit ang konstitusyon natin sa kanyang administrasyon kapag itinulak na ang Federalismo sa bansa, hindi malayong magkaroon talaga ulit ng pangalawang martial law.

Sana unang makatikim ng bangis nito e yung 16M na bumoto sa kanya. But who am I kidding? Damay tayong lahat dito.