Gina, saan namina ‘yang hikaw mo?

by Sankage Steno

Alam mo, kung ayaw mo sa mining, itapon mo na lahat ng alahas mo, pati na rin yung kotse mo, smartphone, TV, Play Station, tiles sa banyo, pati buong bahay, mga kalsada at tulay, at lahat ng napapakinabangan mo sa modern world. Bumalik na lang tayo sa pagiging neanderthal.

No to mining mo mukha mo.

Posible namang mabuhay nang wala yung mga makabagong teknolohiya natin, pero kakayanin mo ba? The more important question is, gusto mo ba?

Hindi naman talaga problema ang pagmimina. Ang problema e yung iresponsableng pagmimina na bukod sa nasisira yung kalikasan e hindi rin patas yung pagbabahagi ng yamang nakukuha mula sa industriyang ito. Iyon dapat talaga ang tutukan at hindi yung basta narinig na mining, anti ka kaagad.

Kaya dito natin malalaman kung ipokrita ba si Gina Lopez, ang susunod na secretary ng Department of Environment and Natural Resources.

Alam naman kasi ng karamihan na anti-mining itong managing director ng ABS-CBN Foundation at chair ng Pasig River Rehabilitation Commission. Hindi ba n’ya alam na walang ABS-CBN kung walang mining? Heck, walang TV kung walang mining. At siguradong wala yung mga alahas, sasakyan at malagubat n’yang bahay/mansyon sa Quezon City kung di dahil sa mining.

Hindi naman ako umaasang tututulan n’ya nang lubusan ang industriyang ito, pero ‘wag naman sana n’yang palabasin na ang pagmimina ay masama at hindi dapat suportahan. May responsible mining po tayong tinatawag. Sana iyon ang isulong n’ya at hindi yung kanyang anti-mining advocacy.

Sang-ayon din ako sa ilang kaibigan at kakilala kong geologist na hindi natutuwa sa pagpili ni Mayor kay Gina bilang susunod na pinuno ng DENR. Bukod kasi sa advocacy ni Lopez, hindi rin s’ya maituturing na “expert.” Environmentalist s’ya, oo, pero hindi s’ya environmental scientist o kahit environmental lawyer man lang.

Sabi nga ng geologist na si Ricardo Escanlar sa paglalarawan n’ya kay Gina bilang DENR secretary:

[I]magine an Agriculture Secretary who believes that rice grows on trees. An Education secretary who can’t name all 26 letters of the alphabet. A Finance secretary who thinks our currency is the Nigerian Naira. That’s who we’re getting as DENR Secretary- someone who lacks the basic and essential knowledge of what natural resources are.

Pero, as usual, wait and see pa rin tayo.

BONUS 1

May nasagap akong tsismis na itong si Gina Lopez daw ay may lihim na relasyon sa director ng Mines and Geosciences Bureau ng DENR na si Leo Jasareno. Dagdag pa ng aking daga, tumatanggap daw ng bribe mula sa mga mining companies itong si Leo.

Ang ironic, ‘no? Itong si Gina e anti-mining, tapos yung “karelasyon” n’ya e pro-mining na nakikinabang pa sa mga suhol. Strange bedfellows indeed. Pero, syempre, hindi ko alam kung gaano ito katotoo. Tsismis nga e. ‘Wag n’yo agad akong paniwalaan.

BONUS 2

Sa pagkakapili ni Mayor kay Gina, lalong lumakas ang kutob kong pinondohan ng mga Lopez itong kampanya ni Duterte. Kaya pala ang daming ABS-CBN-sponsored survey noong bago mag-eleksyon na puro si Mayor ang nangunguna. Hmmm… totoo kaya? Kung oo, magkano naman kaya ang kontribusyon ng mga Lopez?

BONUS 3

‘Wag po nating kalimutan na may malalaking mining companies na nagpondo kay Duterte. (Hello, Zamora?) So pa’no, sila lang ang bibigyan ng permit ng DENR sa ilalim ng bagong administrasyon? Pera-pera lang ba talaga ang labanan? So much for advocacies, huh.