NYC

by Sankage Steno

Dahil nakapaglibot na naman ako sa buong Pilipinas at nakadalaw na rin ako sa ilang bansa sa Asya, gusto ko namang pumunta sa mga bansang nanakop sa ‘tin. Dapat sana pupunta ako ng Japan last year, kaso na-deny ako. Kalungkot lang, pero at least marami pa ‘kong pera. Yehey!

Joke lang. Mahirap lang ako.

Pero ang pangarap ko talagang puntahan ngayon e (see title). Siguro dahil sa dami ng pelikulang napanood ko na d’yan yung setting, feeling ko kilalang-kilala ko na s’ya. Sa katunayan, nung kumuha ako ng test kahapon sa Zimbio kung gaano ako ka New-Yorker sa puso’t diwa, ang nakuha kong resulta ay “You’re a New Yorker through and through.”

Kalokohan lang. Di pa nga ako natutungtong du’n e. Labo.

Anyway, umiisip ako ng paraan ngayon kung pa’no makakapunta sa (see title) nang hindi gumagastos nang malaki. Lahat kasi ng mga biyahe ko sa ibang bansa e work-related, so hindi ako gumastos ni isang kusing. Ako po ang ginastusan nila kasi magaling ako. Luh.

Yun nga lang, ayoko namang pumunta sa (see title) na trabaho ang iintindihin. Gusto kong pumunta roon as a potential citizen. No! Hindi ako magiging Amerikano, pero gusto kong subukang tumira roon kahit anim na buwan lang o isa o dalawang taon. Titingnan ko lang kung kakayanin ko yung winter at yung uri ng pamumuhay na meron doon.

Sabi kasi nila, kung nakaya mong mabuhay sa (see title), kakayanin mo ang kahit anong hamon sa ‘yo ng buhay. I would really love to accept that challenge.

But how?

Pwede akong mag-ipon, which is the most doable means I could think of, pero matatagalan pa. Pwede rin namang magpasikat ako nang bongga rito sa trabaho para maipadala ako sa mga conference doon. Ang problema nga lang, may seniority factor so kahit galingan ko, baka may masagasaan akong ibang tao.

Ang isa ko pang naiisip e kung makakakuha ako ng boyfriend na tagaroon. Yes! Yun talaga ang pinakapuntirya ko. May mga kaibigan naman akong Amerikano, pero hindi sila taga-(see title) at mga straight guys sila, so malabong maging kami in the immediate future. Hay, kalungkot.

Sana yung magiging boyfriend ko, kung di man taga-(see title), e ubod nang yaman. Yung mas mayaman pa sa ‘kin, para pwede kaming lumipad patungong (see title) at doon magpakasal. Hihi.❤