Arya

by Sankage Steno

Nasabi ko na bang kaya lang ako nanood ng Game of Thrones noon e dahil kay Arya Stark? Pretty much the same reason na si Oliver (and Connor) lang ang dahilan kung bakit nanood din ako ng How To Get Away With Murder.

Kahit noong nag-trend sa Facebook yung Red Wedding e hindi pa rin ako nanood ng GoT. Sinubukan ko naman nung papasikat pa lang s’ya, pero tinigilan ko kaagad matapos kong mapanood yung episode 1 ng, well, season 1. Tatlong taon pa ang bibilangin bago ko s’ya panoorin talaga nang lubos at maging fan eventually.

Anong kinalaman ni Arya? Ganito ‘yan, dati sa Facebook nung hindi pa marami ang bobo dahil wala pang free data, maraming quizzes c/o Zimbio and BuzzFeed, tapos isa sa mga pakulo nila e “Which Game of Thrones Character Are You?”

Without knowing anything about GoT, except for that one episode that I dared watch, I took the test. And, voila, si Arya daw ako.

Commercial: Sinagutan ko ulit yung mga test na ‘yan after kong mapanood na yung series. Unfortunately, nabahiran na rin ng bias yung utak ko kaya iba-ibang characters na yung lumalabas. Minsan si Cersei yung nakukuha ko, minsan si Tyrion at yung huli e si Khal Drogo.

Out of curiosity kung sino talaga si Arya Stark, “tiniis” ko na yung kalaswaan at madudugong eksena sa GoT. Turns out, it’s not so bad at all. Maganda pala ang istorya at ang pagkakagawa ng mga eksena. Best of all, I love Arya!

Except for the fact na babae s’ya at may royal blood, siyang-siya nga ako, or at least yung image at character na gusto kong i-project sa buhay. Non-conformist, anti-authority in a way, has her own mind, tough at palaban. Now, punung-puno ng poot at galit sa katawan. Akong-ako nga!

Needless to say, I’m glad I took those tests.

Anyway, excited ako sa magiging takbo ng mga pangyayari sa pakikipagsapalaran ni Arya, although malakas ang kutob kong mamamatay na s’ya sa season 7. ‘Wag naman sana. Sana mapatay muna n’ya yung lahat ng nasa listahan n’ya… and more!

IRL naman hindi ako mamamatay tao. That, clearly, is another aspect where Arya and I differ. Pero, who knows, baka sa hinaharap e makapatay ako out of anger or retribution or self-defense. I’m hoping against hope na huwag akong umabot sa ganung punto, pero, just in case, maghahanda na rin ako ng sariling death list.

At isasama ko roon ang isang avid reader ng blog kong ‘to.🙂