Ibalik ang dating Lucky Me pancit canton

by Sankage Steno

Noon ko pa dapat isinulat ‘to pero busy ako sa kampanya at sa pag-aura kaya di ko masyadong napagtuunan ng pansin.

First, a disclaimer: Matagal na ‘kong hindi kumakain ng kahit anong instant pancit canton dahil antaas sa cholesterol at, sabi nila, dalawang linggo raw tumatagal sa tiyan bago tuluyang ma-digest. (I know it sounds stupid pero naniniwala ako nang slight.)

Nabasa ko yung panayam ng Philippine Star kay Melissa Pabustan ng Monde Nissin at sabi nito, “But as with all changes, it takes some time for people to get used to it.”

Ayan po, mukang matindi pa rin ang cognitive dissonance n’ya sa reaction ng madlang pipol na ayaw sa bagong lasa ng Lucky Me instant pancit canton. Sa totoo lang, wala pa ‘kong naririnig o nababasang feedback na gusto nila yung bagong version. Lahat, gustong ibalik yung “lumang” pancit canton.

And I concur.

Bakit ba kasi iniba pa ng Monde Nissin yung pancit canton nila? Inaano ba sila ng canton? Di ba nila alam na maraming sarap na sarap magpa-canton sa dating Lucky Me? Di ba nila alam na maraming naghihirap na estudyante, empleyado, traveler at mga urban poor ang nasagip at naitawid sa gutom ng pancit canton nila?

So bakit kailangang baguhin (o ayusin) kung wala namang problema?

Kasi dati bitin sila sa isa, so ngayon bigger. And the noodles kasi ngayon [are] smoother, so when you slurp it, it’s supposed to give you that ‘umami.

Sabi ulit ni Melissa. Well, no. Kung bitin kami sa isa, dalawang pancit canton ang niluluto namin. Di naman nakatulong yung pagtaba ng noodles, paglapot ng sauce at paglaki ng packaging sa pag-alis ng kabitinan namin. ‘Pag gutom at walang pera, lahat bitin! Ilusyon n’yo lang yung bigger-bigger cheverlu n’yo na ‘yan.

Pinaglololoko n’yo ba kami?

Pero umaasa pa rin akong makikinig kayo sa hinaing at dalangin ng inyong mga consumer. After all, customer is king, di po ba? At gusto ko lang pong i-emphasize na we do not want any compromise. Kung ibabalik n’yo yung lumang Lucky Me pancit canton, ibalik n’yo yung dating noodles at sauce. Kebs na sa packaging. Yun lang ang pwede n’yong baguhin nang paulit-ulit.

Medyo nagdududa kasi ako sa commitment nitong si Melissa. Sabi n’ya kasi, nakikinig naman daw sila sa consumers:

We are listening. It’s not like we have done this, that’s it. We are listening to consumers and carefully evaluating our options and we are working hard towards keeping that trust and love of consumers for our brand.

But there’s a caveat:

[W]e’re trying to balance the benefits of the improved version and the old one so we’re getting there.

Harujusko, mukhang may kompromiso ngang mangyayari. Baka ibalik nila yung dating noodles pero same sauce na malapot pero matabang, or ibabalik nila yung dating sauce pero same tabaching noodles. A, ewan. Bahala kayo, Monde Nissin. Basta hindi ko na ulit pabibilhin si Mama ng produkto n’yo hanggat di n’yo binabalik yung dati.