Books or boys?

by Sankage Steno

Pinag-iisipan ko kung gagamitin ko yung pera ko para bilhin yung librong A Monster Calls ni Patrick Ness (illustrated by Jim Kay) o ipanlalalaki ko na lang. JK! Naniwala ka naman agad sa sinabi ko. Di ba nga, the golden rule is, “If it’s preposterous, don’t believe it.” ‘Kaw talaga.

Pero seryoso, pinag-iisipan ko kung sasawsaw ba ‘ko sa ipon ko o kung di na lang ulit ako maghahapunan ng tatlong gabi para mabili ko yung pinaglilihihan kong libro. Bwisit kasi yung sale sa Fully Booked, puro walang kwenta yung titles, 99.9 percent rubbish. Yun namang gusto kong libro, mahigit P400 ang presyo.

Kamahal maging matalino! Ang liit naman ng returns.😥

Kaya ko naman talaga s’yang bilhin. Kaya lang, kakabili ko lang ng Marcos Martial Law: Never Again ni Raissa Robles last Friday, tapos bumili rin ako ng dalawang pares ng sapatos dahil, wala lang, gusto ko lang, ta’s magbabayad pa ‘ko ng insurance at rent, at syempre kailangang magbigay kay mudrakels.

Ayun, ubos ang sweldo.

Pinipigilan ko na lang yung sarili ko sa pag-iisip na tatlong libro yung pinagsasabay kong basahin ngayon: Yun ngang Never Again, saka yung Satanic Verses ni Salman Rushdie at yung HarperCollins collection of essays na Growing Up, Growing Old.

Pero gusto ko talaga yung A Monster Calls!

Sinubukan kong manghiram sa kaibigan kong mahilig ding magbasa, pero wala pa s’yang kopya nung libro. Ikaw ba, meron ka? Pahiram naman para di na ‘ko gumastos. Pramis isosoli ko rin agad after a day or two. Mabilis akong magbasa kapag gusto ko yung binabasa ko. Please?

Gusto ko kasing gamitin yung Eid’l Fitr holiday para makatapos ng at least isang libro para naman masulit ko yung araw, saka para na rin mabawasan yung backlog ko sa mga babasahin. (Oo, sa weekend ko itutuloy yung pagbabasa ng Never Again. Yung iba, depende sa sitwasyon.)

Nakakasawa rin kasi yung mga nababasa ko sa Facebook. Break muna sa pag-aadik sa social media. Less FB, less haters, ika nga. Ika nga?!

Anyway, idadaan ko na lang sa coin toss yung pagdedesisyon ko mamaya kapag wala akong mahanap na makakapagpahiram sa ‘kin ng librong gusto ko. Although deep in my heart alam ko namang ang gusto kong mangyari e bilhin talaga s’ya kahit ka ikagutom ko.

Naks. Martir na sa boys, martir pa sa books.