Lilipad

by Sankage Steno

Nakita mo ba yung buwan kagabi? Ang ganda, ‘no? Ang laki, ang liwanag, saka bilug na bilog. Ang ganda pa ng pagkakalagay n’ya sa skyline ng BGC. Titig na titig talaga ako habang naglalakad pauwi.

Syempre Imagine Dragons na naman ang peg ko. Lumipad na yung isip ko somewhere. Nagpantasya ako kunwari na may kasamang nakatitig sa buwan mula sa roof deck ng isang mataas na building, habang nagyoyosi kami at umiinom ng ice-cold beer. Tapos tumutugtog sa isip namin pareho yung Clair de Lune ni Claude Debussy.

Buti libre ang magpantasya at hindi pa pwedeng i-hack ang isip.

COMMERCIAL: Kung nagtataka ka sa topic ko ngayon, well, di ka na dapat magtaka. Hindi naman political ‘tong blog ko to begin with. Isa po s’yang personal blog; meaning, any-any lang. I’m back. Yes! Bahala na po kayong magpatayan. Ibenta n’yo na rin ang Pilipinas sa China at ilibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani. JK.

Hindi ako sigurado kung may kinalaman yung bilog na buwan at yung aking pagpapantasya sa napanaginipan ko kagabi. Nagsimula s’ya na nasa tuktok ako ng isang mataas na building at nakasakay sa isang upuang may nakakabit na elisi sa ibabaw. Lumipad ako sa gabay ng liwanag ng buwan at mga tala, at pinagmasdan ang buong lungsod sa gitna ng gabi.

Maya-maya pa, nakalabas na ‘ko ng syudad at inabutan ng umaga sa isang bundok na may malaking lawa sa gitna. Para s’yang Mt. Pinatubo. Nagpatuloy lang ako sa paglipad. Nagulat na lang ako na wala na pala yung sasakyan ko at lumilipad na akong mag-isa. Sa sobrang sarap sa pakiramdam, nagpaikut-ikot lang ako sa ere, sa ibabaw ng lawa. At nang mapagod ako, naisipan kong lumusong sa tubig.

Paglangoy ko sa pampang, dumapa lang ako at nagpahinga, tapos biglang may dumating na lalaki mula sa batuhan. Nagising na ‘ko.

Ang sarap ng gising ko kanina, I swear. Pakiramdam ko talaga e nakalipad ako sa Mt. Pinatubo, e never pa nga akong napunta roon. Anyway, ang ginawa ko, ginoogle ko kung ano ibig sabihin ng paglipad sa panaginip. Mostly positive naman yung nakuha ko. Ayon sa Dream Dictionary:

You might be in a transitional stage feeling as if you can lift off at any moment. It could also suggest an elevated mood or taking off from something that was stagnated in life? You are high in the air above people and life. These are very positive reflections on what might be to come in the future.

Tinanong ko rin si pareng Sigmund Freud kung ano ang masasabi n’ya sa napanaginipan ko. Eto yung sagot n’ya sa ‘kin:

…[F]lying [is] linked to a sexual burst, possible for the first time.

Ano po ba ang ibig sabihin ng ‘sexual burst’, koya? Hindi ko po kasi alam yung ganyang mga bagay. Virg na virg pa po kasi ako. Hihihi. Ang likot talaga ng imagination nitong si Sigmund. Kaya kita kumpare e.

Nagtanung-tanong rin ako sa mga kapatid nating Muslim kung ano sa kanila ang ibig sabihin ng paglipad sa panaginip. Interesting yung interpretation nila.

Flying in a dream means travels.

O di ba? Sa’n kaya ako susunod na pupunta? JK. Alam ko naman kung saan ang susunod kong travel. But wait, there’s more. Ayon pa sa mga kapatid nating Muslim, marami pang ibig sabihin ang paglipad. Eto, basa:

If one sees himself flying lying on his back, then it means comfort. Flying for other than a traveller means joblessness. Flying from one roof into another in a dream means changing from a man of dignity into a man who has no moral standards. In a dream, a roof also represents a woman or a wife. In this sense, flying between two roofs could mean having a mistress beside one’s wife.

Ayan, bakit kasi inalam ko pa yung iba? Sana huminto na lang ako sa positive interpretations. Lol. Buti traveler ako at buti hindi ako nagpalipat-lipat ng bubong sa panaginip ko. Muntik pa ‘kong mahusgahang walang moral standards. As if. Dun na lang tayo sa positive meaning, okay?

For the most part, once you have a dream flying without any difficulty it is a good omen that will bring future luck and self guidance.

Future luck and self guidance. Hmmm. Hindi ako superstitious na tao, pero biased ako pagdating sa panaginip ko. Para sa ‘kin kasi, form of communication ‘yon ng subconscious ko, ng parte ng katawan o pagkatao ko na hindi ko masyadong napagtutuunan ng pansin kapag gising ako. Kaya mahilig akong mag-interpret ng panaginip ko.

Isa pa, naaapektuhan ng panaginip yung magiging mood ko sa umaga. Kaya sobrang saya ko talaga kanina—yung saya na parang bata. Kasi nga, pangarap ko talagang superpower e flight. Ngayong nakakalipad na ‘ko sa aking panaginip, anong masama kung lilipad na rin ako sa totoong buhay?