So imma unfriend you

by Sankage Steno

What a liberating feeling!

For the past 4 weeks, umiisip ako ng iba’t ibang paraan para magtanggal ng stress sa katawan at para libangin ang sarili habang hinihintay kong mag-2040—the year I become Sankage of the Philippines.

Noong mga nagdaang linggo, inubos ko yung oras ko sa pagbabasa ng libro, pag-beat ng record ko sa basketball sa Timezone, pakikipagkita sa mga kaibigan at paglalakad o pagtakbo sa kung saan-saan. Ngayong linggo naman, iba ang ginawa ko: Nag-unfriend ulit ako ng mga “kaibigan” sa Facebook.

What a feeling!

Inalis ko na yung palaging nagpaparinig sa akin dahil sa mga ipinaglalaban ko sa buhay (anti-Marcos, pro-LGBT rights, anti-EJK, pro-RH Law, etc.). Hindi naman lahat tinanggal ko. Ang in-unfriend ko lang e yung mga wala namang laman yung patutsada o pagkontra sa ‘kin. Yun bang makapang-asar lang.

Marami pa rin akong mga kaibigan o fina-follow na tao sa Facebook na salungat ang paniniwala sa akin, pero matatalino sila at kritikal mag-isip. Impak, mas matatalino sila sa ‘kin. Yung mga arguments nila ang gusto kong binabasa kahit pa nakakapang-init ng ulo. Matalino kasi.

Yung mga tinanggal ko sa Facebook e karamihan estudyante sa Mapua na ewan kung mag-isip. For sure madadagdagan pa sila in the near future kung di sila tatalino sa argument nila o kung di ko naman sila talaga kaibigan IRL. Wala naman kasi silang dulot sa buhay ko kundi sakit lang sa dibdib o sa ulo.

May mga tinanggal din akong taga-UP. Apparently, hindi lahat ng nag-aaral o nagtapos sa UP e kritikal mag-isip. Yung iba, bandwagoneer lang. Yung iba pa, nakikisawsaw lang sa kasikatan ko. Not that I’m sikat talaga, ‘no, pero compared sa kanila, mas sikat naman ako. Nakakainis pa, walang laman ang posts nila.

Ang ilan pa sa mga tinanggal kong tao e yung hindi na active yung account at di ko na maalala kung pa’no ko naging kaibigan. Since wala naman kaming interaction sa social media, ni hindi kami nagla-like ng post ng isa’t isa at lalong di nagcha-chat, minabuti kong alisin na sila sa buhay ko, kahit virtually lang.

Ang sarap kaya sa pakiramdam na magtapon ng taong wala namang silbi sa buhay mo.

If you wanna experience this feeling that I’m enjoying right now, try mo ring mag-unfriend ng mga walang kwentang tao sa buhay mo. Btw, I’m not saying wala silang kwenta talaga. Ang sinasabi ko lang, sa buhay mo, wala silang pakinabang. Parang bato lang sa gilid ng daan kapag bumabiyahe ka. Pwede mo silang dedmahin o damputin at ihagis sa malayo.

I chose the latter, and boy was I happy!