Con-Ass(hole)

by Sankage Steno

Ang Con-Ass, o Constituent Assembly, ay isa sa tatlong paraan para mabago ang ating saligang batas o constitution. Ang dalawang iba pa ay Constitutional Convention (Con-Con) at People’s Initiative.

Sa Con-Ass, ipauubaya natin sa ating mga kongresista at senador ang pagbabago ng saligang batas. Ibig sabihin, sina Manny Pacquiao, Nancy Binay, Tito Sotto, Imelda Marcos, Gloria Arroyo at marami pang buwayang pulitiko ang gagawa ng bago nating konstitusyon.

Kung di buwaya, bobo naman. Kung di bobo, mga miyembro ng political dynasty o traditional politicians (trapo). In short, assholes.

Hindi ko naman sinasabing lahat ng ating mga kongresista at senador ay asshole. No. Ang sinasabi ko lang, marami sa kanila ay asshole, at ayokong ipaubaya ang pagsasaayos o pagbabago ng ating saligang batas sa kanila dahil malaki ang tsansang pansariling interes nila ang unahin habang binabago ang konstitusyon, sa halip na kapakanan ng bayan.

Sabi kasi ni House Speaker Pantaleon Alvarez, nagbago na raw yung isip ni Pangulong Duterte. Kung noong una ay Con-Con ang balak nito para sa Charter Change (Cha-Cha) at para maisulong ang Federalism, ngayon ay Con-Ass na lang daw dahil mas mura at mas matipid.

Ikaw, ipauubaya mo ba sa mga trapo ang pagbabago ng saligang batas natin? Let me rephrase that: Ipauubaya mo ba kina Sotto, Pacquiao at Binay ang pagbabago sa pinakamahalagang lupon ng mga batas ng ating bansa? Kung oo ang sagot mo, go to hell. Kiss my ass. Pakyu ka.

Anong panama ng mga ‘yan (at ng marami pa nating asshole na kongresista at senador) sa dating mga miyembro ng Constitutional Commission (Con-Com) na gumawa ng 1987 Constitution?

Anong laban nila kina Cecilia Muñoz Palma, Ambrosio Padilla, Joaquin Bernas, Hilario Davide, Jr., Christian Monsod, Blas Ople, Rene Sarmiento, atbp.?

Porke mas mura at mas mabilis ang Con-Ass kesa Con-Con, yun na agad? Wala palang isang salita si Duterte kung sakaling matuloy nga ito. Isa pa, 44 percent ng mga Pilipino e ayaw naman talaga sa Cha-Cha. At malakas ang kutob kong mahigit 75 percent ng mga Pilipino e hindi naman talaga naiintindihan ang Federalism.

Personally, pabor ako sa pagbabago ng saligang batas, pero hindi lahat. Yung economic provisions lang ang gusto kong ipabago para mas maparami ang foreign direct investments sa bansa. Yun lang. Ayokong dagdagan ang termino ng mga pulitiko at ayokong lumipat sa Federal system nang walang anti-political dynasty at freedom of information laws.

At ang nararapat lang na magbago ng ating konstitusyon ay yung best and brightest sa ating bansa, hindi yung mga Mocha Uson at mga asshole sa Congress.