Pokémon Gorabels

by Sankage Steno

Wrong move. Na-send ko agad sa boss ko yung pinagawa n’yang article about Pokémon Go na related dapat sa medical field. Nalaman n’ya tuloy na mabilis akong magsulat (lalo na kapag gusto ko yung topic). Ang “reward” ko tuloy, ako na raw ang gagawa ng lahat ng Pokémon-related articles simula ngayon.

YEHEY!

Yung sinulat ko kanina e positive (so dapat daw negative naman bukas). Napag-alaman ko sa saglit kong pagri-research na marami palang mabuting dulot itong craze game na ito sa katawan. I know obvious na yung iba, like yung paglalakad, but allow me to give you more details. Backed by research ito, boy!

Unahin natin si Dr. Tom Yates, senior lecturer ng Physical Activity, Sedentary Behavior and Health sa University of Leicester sa Inglatera. Sabi n’ya, maganda raw yung Pokémon Go dahil napipilitang maglakad yung mga tao habang nag-e-enjoy.

If there is something out there which is getting people off the sofa and pounding the streets then this game could be an innovative solution for rising obesity levels.

Walking is hugely underrated yet it is man’s best and the cheapest form of exercise. It’s an easy and accessible way to get active and help maintain a healthy body.

Sinegundahan ko ‘yan ng dalawang clinical research, isa from 2012 at isa from 2016. O, di ba? Ang galing ko. Sabi dun sa naunang research, kahit konting lakad-lakad lang daw kada araw e malaking tulong na para maiwasan ang diabetes. So kung mas marami kang nilalakad kada araw, mas bumababa yung chance na magka-diabetes ka o tumaba.

E ilang steps ba ang ideal?

Nasagot ko na ‘to sa dati kong blog, pero uulitin ko na lang with matching research. Sabi dun sa pangalawang study, 10,000 steps a day ang kailangan para gumanda ang physical and mood states mo. Katumbas ito ng around 90 minutes na paglalakad o layong 8km (5 miles).

Ang dami mo nang maha-hatch na itlog n’yan sa Pokémon Go!

Maliban sa makakaiwas ka sa sakit o sa katabaan, maganda rin daw ang larong ‘to sa pakikisalamuha sa ibang tao, sa sense of community. Ayon kay Matt Hoffman, clinical assistant professor at the Texas A&M College of Nursing:

The game is bringing people together, providing opportunity for social interaction and increasing our sense of belonging, which can have a positive impact on our emotional and mental health.

O ha! Malusog na ang pangangatawan mo, pati puso’t isip, malusog din. Bongga! Genius talaga yung nakaisip ng larong ‘to. Dagdag pa ni Matt, masaya s’yang naglalaro habang naeehersisyo.

I’ve spent an hour or two at a time venturing around the community to find Pokéstops.  And, to hatch one egg, a trainer must walk anywhere from one to six miles. There’s no doubt about it, I am exercising more as a result of playing the game, and I am enjoying it.

Ibang level ang larong ‘to. Ang daming dulot! Para s’yang Facebook noong bago-bago pa lang. Sana lang hindi s’ya makasama sa tao in the long run. Bukas malalaman natin yung negative effects ng Pokémon Go. Pero for now, gorabels na muna sa paglalakad!