Mas madali nang babuyin si Marcos

by Sankage Steno

Bago ihimlay sa Libingan ng mga Bayani ang lolo ko noong 1994, binigyan s’ya ng full military honors. May isang squad ng mga sundalo ang nagmartsa at nagtutok ng baril sa langit at sunod-sunod na nagpaputok. Takut na takot ako noon, pero proud na proud sa lolo ko.

Tapos ngayon mababalitaan ko na lang na makakasama ng lolo ko ang isa sa pinakamasamang pangulo ng ating bansa na hindi lang nagnakaw ng bilyong piso sa kaban ng bayan at nagpapatay ng maraming Pilipino, kundi nagpalaganap din ng mga oligarch sa bansa at naging sanhi kaya dumami ang mga rebeldeng grupo na kumakalaban sa gobyerno.

Kakausapin ko na yung lola ko kung pwedeng ilipat si lolo sa ibang libingan.

Jusko naman kase, ang tagal-tagal nang nananahimik ng bangkay ni Marcos sa Ilocos Norte, gagambalain pa natin? Bakit di na lang natin s’ya hayaang manatili roon kung saan sinasamba s’ya ng mga Ilokano at ligtas mula sa mga gustong bumaboy sa kanyang mga labi?

Alam mo kasi, kapag nailibing si Marcos sa LNMB, bukod sa malalayo s’ya sa mga kababayan n’ya, mapapalapit rin s’ya sa mga kaaway n’ya, kabilang na ang mga pulitiko at mga pamilya ng mga naging biktima ng martial law. Mas lalo lang malalagay sa peligro ang bangkay nitong diktador na nang-rape sa ating bansa.

‘Wag na tayong lumayo. Ako na lang. Kapag nasa LNMB na si Marcos, isipin mo na lang ang mga pwede kong gawin ngayong mas malapit na s’ya sa tinitirhan at pinagtatrabahuhan ko.

  • Pwede ko s’yang puntahan anytime para i-vandalize yung puntod n’ya. Susulatan ko ng kung anu-anong kabastusan like image ng tite at betlog o simbolo ng Tau Gamma Phi o stick man.
  • Pwede ko s’yang dalawin anytime para hagisan ng molotov cocktail o ng mga paputok na yaring Bulacan. Ang dali nang pasabugin ng libingan n’ya ngayon.
  • Pwede ko s’yang tapunan ng tae ng aso/tao at sabuyan ng ihi ng pusa/tao. Worse, pwede ko s’yang duraan, taihan o ihian mismo. Ang dali nang makaganti!

Pero syempre hindi ‘to naisip ng pamilya n’ya. Ang gusto lang kasi nila e mabalik yung dati nilang kapangyarihan at kasikatan, mabaon sa limot yung mga karumaldumal na krimeng pinaggagawa nila, at ipamukha sa ating lahat na bobo at tanga tayo.

Ugh. ‘Wag ako. Hindi ako katulad ng marami kong kaibigan sa Facebook na naghahasik ng kabobohan sa social media at walang pakialam sa paghihirap ng mga kapwa n’ya Pilipino noon at ngayon dahil sa epekto ng martial law at ng pangungulimbat ng mga Marcos.

Mga ulol.

Kapag pangulo na ako ng Pilipinas at nakalibing pa rin si Marcos sa LNMB, ipapahukay ko s’ya agad-agad. Pagkatapos i-exhume ng bangkay n’ya, ipapadikdik ko nang pinong-pino at ipapatapon sa Paoay Sand Dunes para di na mabawi ng pamilya o fans n’ya. Sa gayon, sigurado akong matatapos na ang usapin sa nakakagagong isyu na ito.