Duterteserye – Season 2

by Sankage Steno

Ganito ang susunod na mangyayari sa paboritong realityserye ng mga Pilipino: May magtatangkang pumatay kay PNP Chief Bato dela Rosa at kay Pangulong Duterte. Makakaligtas sila pareho, of course. Isisisi nila ngayon ang assassination plot sa mga miyembro ng ISIS o NPA. Pareho silang magde-deny. Dahil dito, magdedeklara ng martial law ang ating presidente.

Sounds familiar?

Para sa mga nakakaalam ng kasaysayan natin, lumang tugtugin na ‘to, pero para sa maraming tagahasik ng kabobohan sa Facebook, bago lahat ito. Original screenplay.

Para naman sa mga bumoto kay Duterte, tahimik lang sila, pero kinakabahan na sa loob. Magpo-post sila ngayon ng mga magagandang nagawa ng pangulo sa maikling panahon ng panunungkulan nito para i-justify yung mga kagaguhan ng idolo nila. Sa totoo lang, wala silang pinagkaiba sa mga Marcos trolloyalist na ginagamit yung mga naipatayo ng dating diktador para depensahan ito.

Para naman sa mga miyembro ng NPA, tulad ng ginawa nila noon, manggugulo pa rin sila. Yung panggugulo nila ang gagamitin (ulit) na dahilan ng pangulo para lalong mapaniwala ang mga Pilipino na kailangang magdeklara ng martial law. Oh, and yes, di na matutuloy ang peace agreement sa pagitan ng gobyerno at ng CPP-NPA-NDF-HIJKLMNOP.

History repeats itself ba kamo? Not quite.

Matalino si Duterte (in a way), pero hindi s’ya kasingtalino ni Marcos. I’m not praising the late dictator. Gusto ko lang i-point out na ginamit n’ya yung talino n’ya sa masama, gaya ng ginagawa ng maraming taga-UP at ilang miyembro ng Left na nagbubulag-bulagan pa rin sa mga nangyayaring paglapastangan sa mga Pilipino ngayon.

Mahihirapan pa ring magdeklara ng martial law si Duterte dahil may mga Pinoy pa ring nabuhay noong “huling” martial law na tututol dito. Mahigpit din ang kasalukuyang konstitusyon hinggil sa pagdedeklara ng batas militar. Pero kapag natuloy ang Constituent Assembly, malaki ang posibilidad na mabigyang-daan ng bagong saligang batas ang pagpapatupad ng martial law sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Eto ang plot twist:

Maraming mamamatay: check! Maraming mag-aaklas: check! Pero mas marami pa rin ang kakampi sa pangulo: ekis. Sasabihin ng mga kampon ni Duterte, “Tama lang ang martial law para madisiplina ang mga Pilipino. Tingnan mo yung Singapore, maunlad dahil disiplinado yung mga tao doon.”

Ang pahayag na ‘yan e euphemism for “Hindi talaga ako disiplinadong tao at kailangan ko ng kamay na bakal para tumino ako. Ganyan ako kagago. So help me Duterte.”

Ang magiging ending ng season 2 ay eto: Magiging maunlad ang Pilipinas, most likely dahil sa economic policies ng nagdaang administrasyon, pero ang credit ay mapupunta lang kay Duterte. Iisipin ng maraming Pinoy na tama ang desisyong suportahan nila ang makabago at mas pinatibay na martial law.

Ang di nila alam, may season 3 pa. Di ko muna sasabihin ang mangyayari. Baka mainis na kayo sa ‘kin nang sobra dahil sa dami ng spoilers ko.

Advertisements