Move on na, bes

by Sankage Steno

Ano ka ba naman, bes? Move on na please. Napakadali lang namang gawin ‘yon. Lahat naman tayo, sa isang punto ng ating buhay, ay nag-move on mula sa iba’t ibang hinanakit. Ano ba naman yung mag-move on na rin tayo sa martial law, di ba?

Paano ba mag-move on sa mga atrocities ng pamilya Marcos at ng martial law? Ganito lang, bes. Follow my lead.

  • Sabihin mo sa nanay na kinidnap yung anak at asawa, tinorture, pinatay at hinulog mula sa helicopter sa isang liblib na lugar sa Antipolo na mag-move on na s’ya. Parang ganito: Matagal nang pinatay yung asawa’t anak mo. Move on ka na, bes.
  • Sabihin mo sa twentysometing girlalu na hinubaran, nilamas ang suso at pinasukan sa puke ng talong na binudburan ng sili na mag-move on na s’ya. Parang ganito: Matagal nang nilamas at hinindot ang suso at puke mo. Move on ka na, bes.
  • Sabihin mo kay kuya na hinubaran, kinabitan ng alambre ang utong at sinuotan din sa tite, saka kinuryente nang paulit-ulit na mag-move on na s’ya. Parang ganito: Matagal nang inihaw ‘yang utong at ari mo, dude. Move on ka na, bes.
  • Sabihin mo sa tatay na hinubaran, binubugbog, hinampas ang ulo sa pader at saka pinahiga sa bloke ng yelo nang ilang araw na mag-move na s’ya. Parang ganito: Matagal nang na-preserve ‘yang betlog mo. Move on ka na, bes.
  • Sabihin mo kay ate na naka-blindfold nang ilang araw at paulit-ulit na pinasukan ng tite sa puke ng iba’t ibang sundalo kahit puro sugat at mahapdi na na mag-move na s’ya. Parang ganito: Matagal ka nang ginahasa nang paulit-ulit, araw-araw. Move on ka na, bes.

Ang dali lang mag-move on, di ba? Okay lang kahit hindi pa nagso-sorry ang mga Marcos, o kahit di pa sila nagbabayad sa kanilang mga kasalanan. Ayos lang din kahit marami pang bangkay ang di na nakita matapos dakpin ng militar. Ano ba naman yung bilyong piso ng salapi, alahas, ginto at ari-arian na ninakaw nila at pinakikinabangan hanggang ngayon at binabayaran pa rin natin, di ba?

Maliit na bagay.

At dahil mapagpatawad tayong mga tao, patawarin na natin sila at tuluyang kalimutan ang mga pinaggagawa noon. Bilang ganti sa kasalanan ng mga Marcos, suportahan na natin sila at ang ating pangulo sa paglilibing sa dating diktador sa Libingan ng mga Bayani. Sa gayon, tuluyan na tayong magkakaisa, maghihilom at makakapag-move on na, bes.

Advertisements