Milyonaryo na ulit ako

by Sankage Steno

Bakit di natin pangalanan yung habagat na ‘to ng ‘Sankage’? Dahil sa matinding ulan, dumami yung gustong magbasa (feeling ko). At dahil maraming nagbabasa ngayon, finally, nakamahigit isang milyong hits na ang blog ko. Yehey!

Wala naman s’yang dulot masyado. Hindi ko naman s’ya ikinayaman o ikinaganda. Hindi rin n’ya ako nabigyan ng boyfriend o magandang bahay at lupa sa bangin at tanaw yung dagat. Wala lang. Sumaya lang ako ng burberry light. Malaking bagay ‘yon to think na mahigit isang linggo nang walang tigil ang ulan. Ang gloomy ng paligid.

Hindi naman ako nalulungkot nang bongs. Slight lang. Siguro dahil wala akong makausap tungkol dun sa nabasa kong novel, yung Aristotle and Dante Discover the Secrets of the Universe ni Benjamin Alire Saenz. Ang hirap kapag lahat e nakatutok sa Pokemon Go.

But I love Pokemon Go.

Anyway, ayokong mag-focus sa pagiging lonely ko ngayon. I want to spend the free space here to thank all my bashers, haters, trolls, whatever you want to call them. Kung di dahil sa kanila, hindi magiging sikat ang blog ko. Kung di dahil sa pambu-bully nila sa ‘kin, hindi ko maaabot ang isang milyong hits dito.

Kaya, from the bottom of my angry heart, maraming salamat!

Gusto ko ring pasalamatan ang mga conyo, ang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo, ang mga Marcos trolloyalist at ang mga Dutertrolls. Ilan sa mga naging trending o viral kong blog post ay kayo ang paksa. Kayo ang nagbigay sa akin ng unang milyon ko rito. Akalain mo ‘yon? Haha.

Maraming salamat sa inyo!

Panghuli, gusto kitang pasalamatan. Oo, ikaw na nagbabasa nito. Wala akong pakialam kung follower kita o hater o fan o ex o napadaan lang dito o future boyfriend. The fuck na binabasa mo yung mga pinagsususulat ko rito, whether you agree with me or not, ay malaking bagay na sa ‘kin.

Kung nasubaybayan mo itong blog ko simula nang ipanganak ko s’ya noong 2012, o kung nabasa mo na ako simula pa noong nasa Multiply pa lang ito, my gulay, payakap nga. Grabe, ang tagal mo nang nagpapauto sa akin. Ang tagal mo nang nagpapapaniwala sa mga sinasabi ko rito. You truly deserve my warm hug.

Oo, kahit babae ka, iha-hug kita. Pero kung lalake ka at gwapo (at bakla), di lang hug ibibigay ko sa ‘yo. Pati kiss. Hihi.

Bago pa mapunta sa kung saan itong sinusulat ko, titigil na ‘ko. Babalik na ‘ko sa pag-inom ng kape, panonood sa ulan at pagbabasa ng mga librong lalong nagpapalungkot sa ‘kin. Muli, mula sa kaibuturan ng puso kong nalulumbay pero nakangiti, maraming salamat sa iyo.

https://i1.wp.com/www.penelopeillustration.com/illustrationfriday/images/rain_lopeumbrella.jpg