600%

by Sankage Steno

Balak ko sanang ‘wag magsulat ngayon, bes. Pahinga lang saglit sa pagtalakay sa mahahalagang isyu sa bansa. But no! Nakita ko yung proposed budget ng Duterte admin for 2017 sa balita, at lumuwa yung mata ko sa laki ng itinaas ng budget para sa Office of the President.

See title, bes.

Imagine, bes. From P2.86 billion, gusto nilang gawing P20.03 billion. At kung paniniwalaan ang super majority sa Congress, di malayong pumayag sila sa kagustuhang ito ng pangulo.

Anong balak nilang gawin sa ganito kalaking halaga? Sabi ni Budget Sec. Ben Diokno, hindi raw s’ya aware sa 600-percent increase sa budget ng OP. Oh come on! Pero nang ipamukha sa kanya ng mga reporter yung datos na galing mismo sa kanila, nganga s’ya, bes. Sinabi na lang n’ya na kakailanganin daw yung pera para sa 50th anniversary ng ASEAN next year.

Tayo ang host, bes.

Wow ha, anniv party worth at least P10 billion? Dinaig pa yung APEC summit na mas maraming bansa ang involved. Gusto yatang pantayan yung ginastos sa opening ceremony ng Rio Olympics, bes! It’s so amazing!

Hindi kaya gamitin lang n’ya ‘to sa pagpatay ng maraming inosenteng Pilipino? I mean, sa kanyang war on drugs? Baka naman gayahin n’ya si P-Noy at ipang-bribe yung pera sa mga senador at kongresista para sundin yung kagustuhan n’ya. O baka naman panibagong scheme ‘to kapalit ng PDAF at pork barrel?

Ano sa tingin mo, bes?

Or … or … baka naman magtatayo ng brothel sa Malacañang itong si Duterte para sa happy-happy n’ya? OMG, bes. Pwede, ‘no? Isang underground happy place para sa mga dignitaries ng bansa. Feeling ko gagamitin ng pangulo ‘yon di lang for himself, kundi pati sa mga Chinese na umaagaw sa teritoryo natin. Medyo wise move, in fairness.

Magkano ba ang puhunan para sa isang private brothel, complete with jacuzzi, pool, private rooms and, of course, whores? Beautiful, gorgeous, underage whores! My gahd! Pwede, bes, di ba? Sino kayang magma-manage a la Petyr Baelish?

Si Panelo?