Bored in the City

by Sankage Steno

Grabe, apat na oras na ‘kong nababagot. Kanina ko pa natapos yung trabaho ko kasi magaling ako. Nabasa ko na lahat ng balita sa dyaryo, pati opinyon. Umisip na ‘ko ng mga bagong pangarap para ma-motivate sa buhay. Kumanta-kanta na rin ako. Sumasayaw rin akong mag-isa sa CR kapag walang ibang tao.

Naghihintay pa rin ako ng uwian.

Pagkalabas ko naman sa office, ganun din. Lakad-lakad nang kaunti para di ma-stroke at magka-diabetes. Kain. Kanta-kanta ulit. Sayaw-sayaw ‘pag walang nakatingin. Basa ng libro. Makikinig ng music. Manonood ng kahit ano sa PC. Mag-aano sa kwarto. Umm… sarap.

Okay naman ako. Okay naman ang buhay. But I’m bored.

Tama si J.R. Moehringer nung sinabi n’yang loneliness ang “scourge of modern life.” Pero kung ako yung tatanungin, it’s boredom. Alam mo yun? Kahit busy ka minsan, bored ka pa rin. Kahit may ginagawa ka namang kapaki-pakinabang sa buhay, sa bansa, sa mundo, nababagot ka pa rin. Am I sick?

Kaya ko siguro nami-miss yung pagtuturo. Nun kasing instructor pa ‘ko sa Mapua, ang bilis ng mga pangyayari. Ang dami kong inaasikaso, ang dami kong pinagkakaabalahan, pero higit sa lahat, masaya ako sa ginagawa ko. I’m not saying na hindi ako masaya sa trabaho ko ngayon. Ang sinasabi ko lang, never akong nabagot sa pagtuturo.

Malaman-laman ko na lang, 2 years na pala akong teacher, at 2 years ko na ring hindi iniintindi ang love life ko. Imagine that? Sa sobrang enjoy ko sa ginagawa ko, wala na ‘kong pakialam sa ibang bagay. Pretty much like love nga. Dun lang umiikot yung mundo ko.

Ang perfect pa ng setup ko noon. Nagtuturo ako habang nagko-contribute paminsan-minsan sa Inquirer. Isa ‘yon sa katuparan ng mga pangarap ko. Alam mo kasi, nung college, gustung-gusto kong gayahin yung mga prof ko. Gusto ko ring magturo habang nagsusulat sa kung saan-saang pahayagan. Nagawa ko naman, and I’m proud of that.

Ngayon, kahit gusto ko yung trabaho ko, ang dalas ko pa ring mabagot. There must be something in the water sa pantry namin.

Buti na lang nagyaya yung mga kaibigan kong mag-hunt mamaya sa BGC. Magha-hunt kami ng pokémon. Pero dahil hindi compatible yung phone ko, sasamahan ko na lang sila. Iba na lang ang iha-hunt ko: lalake. Baka sakaling swertehin, e di hindi na masyadong magiging nakakabagot ang pang-araw-araw kong buhay.

P.S.
Somehow, I’m thankful I can afford to be bored.🙂