Labinlimang hugot para kay De Lima

by Sankage Steno

Tama ang ginagawa ni De Lima dahil trabaho n’ya ‘yon, pero mas magiging tama s’ya sa paningin ng tao kung kakaririn n’ya ang pagiging biktima sa hidwaan nila ni Duterte.

Dahil di pa naman napapatunayang may kinalaman nga ang bagong senadora sa drugs, kampi ako sa kanya. At dahil kampi ako kay De Lima, tutulungan ko s’ya sa mga susunod n’yang pahayag. Dapat n’yang makuha ang simpatya ng sambayanang Pilipino. At alam na alam ko kung pa’no n’ya makukuha ‘yon.

Sa hugot.

Kaya, Sen. De Lima, basahin po ninyo itong maigi. Isapuso at isaisip. Next time po na may mag-interview sa inyo at tanungin kayo tungkol sa relasyon n’yo ng inyong driver, o sa away ninyo ni Duterte, atbp., ito po ang mga dapat ninyong sabihin.

1. Kapag tinanong ka kung bakit ka “kumabit” sa iyong driver (kahit matagal ka nang annulled), eto po ang isasagot n’yo:

Wala sa damit, wala sa kulay ang pagmamahal! Nasa puso! Nasa utak! -Maricel Soriano, Saan Darating Ang Umaga

2. Kapag tinanong ka kung bakit ka nakipaghiwalay sa dati mong asawa, eto po ang isasagot n’yo:

Siguro kaya tayo iniiwanan ng mga mahal natin dahil may darating pang ibang mas magmamahal sa ’tin. – ‘yung hindi tayo sasaktan at paaasahin… ’yung magtatama ng lahat ng mali sa buhay natin. -John Lloyd Cruz, One More Chance

3. Kapag may showbiz reporter na nagtanong sa ‘yo ng “What is love?”, eto po ang isasagot n’yo:

Love should not be a heavy feeling; it should not make you suffer. Love should make you happy. It’s a smile in the heart, it makes you come alive, love makes you want to fly, you know… -Sharon Cuneta, P.S. I Love You

4. Kapag may nagtanong po kung anong nararamdaman ninyo, eto po ang isasagot n’yo:

Gutay-gutay nang katawan ko, pati kaluluwa ko gutay-gutay na rin. – Sharon Cuneta, Pasan Ko Ang Daigdig

5. Kapag hiningan ka ng message para kay Duterte, eto po ang ipasabi n’yo sa kanya:

Close ba tayo? Ang sakit mo na magsalita ha! -Angelica Panganiban, That Thing Called Tadhana

6. Kapag tinanong ka nila tungkol sa gusto mong ipabatid sa driver n’yo, eto po ang magandang sagot:

Pinagtatawanan nila ‘kong lahat kasi hindi naman daw naging tayo, pero bakit parang nabaliw ako? Kasi lahat ng parte ng katawan ko masakit, malungkot. Lahat ng parte ng katawan ko ikaw ang hinahanap. -Sarah Geronimo, Maybe This Time

7. Kapag tinanong ka kung anong sasabihin n’yo sa driver kung sakaling makitaan nga s’ya ng droga, eto po ang sabihin n’yo:

I have the right to the truth no matter how ugly, no matter how painful, because I am your wife! -Bea Alonzo, A Second Chance

8. Kapag binastos ka ulit ni Duterte at hiningan ka ng mensahe ng mga reporter, eto po ang isagot n’yo:

Hindi ako perfect and kahit kailan, hindi ko hihilingin na maging perfect ka. Ang hihilingin ko, subukan mong baguhin ang sarili mo para maramdaman mo na karapat-dapat ka. But you never tried. -Bea Alonzo, She’s The One

9. Kapag tinanong ka ng showbiz reporter kung anong mensahe n’yo sa mga may asawa, eto po ang sagot:

Ang mundo ay isang malaking Quiapo. Maraming snatcher, maaagawan ka. Lumaban ka! -Carmi Martin, No Other Woman

10. Kapag tinanong ka kung gaano kadalas kayong “magkita” ng driver n’yo, eto po ang ibato n’yo sa kanila:

Once, twice, three times? Gaano kadalas ang minsan? -Hilda Koronel, Gaano Kadalas Ang Minsan

11. Kapag may nagtanong kung kumusta na kayo ngayon, eto po ang sabihin n’yo:

Gusto kong sabihin na okay lang ang lahat, e. Na hindi ako nasaktan. Kaso magsisinungaling ako sa sarili ko kasi ang sakit-sakit. -Nadine Lustre, Para Sa Hopeless Romantic

12. Kapag may nanghamak sa driver n’yo at minaliit s’ya o kayo, eto po ang isasagot n’yo:

Oo, inaamin ko, saging lang kami. Pero maghanap ka ng puno sa buong Pilipinas, saging lang ang may puso! Saging lang ang may puso! -Mark Lapid, Apoy sa Dibdib ng Samar

13. Kapag may nagtanong kung ano ang huli ninyong sinabi sa inyong driver nang pumutok ang isyu, eto po ang banat:

Sorry ako nang sorry pero hindi ko alam bakit parang lalo ko siyang nasasaktan. -Piolo Pascual, The Breakup Playlist

14. Kapag may nanghingi po ng mensahe n’yo para sa dati n’yong asawa, eto po ang sabihin n’yo:

You had me at my best, but binalewala mo lang ang lahat… And you chose to break my heart. -John Lloyd Cruz, One More Chance

15. Kapag may nang-insulto sa inyo dahil nakipagrelasyon kayo sa driver n’yo, eto pong sambitin n’yo:

Oh yes, kaibigan [n’ya] ako. Kaibigan [n’ya] lang ako… And I’m so stupid to make the biggest mistake of falling in love with my best friend! -Jolina Magdangal, Labs Kita… Okay Ka Lang?