Ang sakit ng pag-a-unfriend

by Sankage Steno

Kagabi ko pa iniisip kung bakit may nagagalit sa akin kapag nalaman nilang in-unfriend ko sila. Una, dahil ba nabastos ko sila? O, pangalawa, dahil mahal talaga nila ako at ayaw nila akong mawalay sa Facebook life nila? Aww, nakaka-touch.❤

Noong una, mga pro-Duterte, pro-Marcos at anti-LGBT friends lang ang ina-unfriend ko. Hindi naman lahat, yung mga walang kwenta lang yung pinagpopo-post at yung mga blind follower. Ngayon, tinatanggal ko na rin yung mga taong di ko naman lubos na kakilala, yung may atraso sa ‘kin, yung inactive na ang account at yung mga wala namang dulot na maganda sa buhay ko.

Tama. Sa buhay ko. It’s my life. It’s my Facebook account. At nasa kapangyarihan (at karapatan) ko kung ano ang gusto kong makita sa feed ko, kung sino ang gusto kong makasalamuha sa online world at kung sino ang dapat lang na makakita ng mga pino-post ko.

Take it as a part of Adulting 101. Patapos na ako sa phase na sinusubukan kong intindihin ang lahat ng tao at maging nice sa kanila. Ngayon, pili na lang kung sino ang dapat kong intindihin at dapat kong pakitaan ng kabaitan. Masama ba ‘yon? Immature? It’s your call. Basta ako, I’m taking charge of my online life.

Araw-araw akong nakaharap sa computer at sa cellphone ko. Araw-araw akong online. Malaking parte ng buhay ko ngayon e yung pagiging online. Kung mabubuwisit at iinit lang ang ulo ko sa tuwing papasok sa online world, talo ako. I don’t mind losing basta ba may natututunan ako. E sa dami ng kabobohan ngayon sa online world, talo na nga ako, wala pa ‘kong natutunan. Bumaba lang IQ ko.

Subukan mong magbasa ng mga comment, tingnan natin kung di ka magka-tumor sa utak. (It’s a hyperbole.)

Yes, it’s a new age for social media, thanks in big part to the past elections and campaign period. Lumitaw ang kabobohan at tunay na kulay ng mga tao. Nope, hindi sila nabobo dahil sa nangyaring eleksyon. Matagal na silang bobo, at nalantad lang ‘yon dahil sa eleksyon. At hanggang ngayon, tuloy pa rin ang kanilang kabobohan. Pinapalakas pa ito ng mga personalidad sa pulitika at showbiz na may angking kabobohan din.

‘Bobo’ is my general term for fanatics, blind followers, trolls, apologists, loyalists and the likes.

Ngayon, may chance pa ba na maging friend ko ulit yung mga in-unfriend ko sa Facebook? Oo, kung madadaan sa mabuting usapan. In real life, oo rin. Oo naman. Sa social media lang kita in-unfriend, hindi sa totoong buhay. Pero, kung bobo ka pa rin kapag nagkita tayo, forget it. I don’t know you. Bye.