Dear Bank of the P.I. account holders

by Sankage Steno

Nakakaloko na ‘tong Bank of P.I. ha. Kung kelan tumanda saka naging pasaway. Happy 165th anniversary nga pala. Matanda pa kayo sa Republika ng Pilipinas. Naks. Maraming salamat sa abalang idinulot ng update n’yo na ‘yan.

Paano ba mag-invest sa BDO?

Akala ko pa naman hindi na required mag-update ang lahat ng account holders nila. Malaman-laman ko kanina, “required” pa rin palang mag-update ang lahat. Iyon e kung magkakamali kang dumalaw sa isa sa mga branches nila para sa kung ano mang transaction ang sasadyain mo.

Ganito yung nangyari sa akin kanina. Dahil sunud-sunod na naman ang pagbagsak ng stocks, nagpasya akong i-redeem na yung investment ko for now. Ibabalik ko na lang kako kapag gumanda na ulit ang bentahan sa stock market. E di nag-fill up ako ng form para mabawi yung inilagak kong pera sa Bank of the P.I.

Akala ko tapos na. But no!

Tinanong ako bigla nung clerk kung nag-update na raw ba ako ng info. Dahil honest akong tao, sabi ko hindi pa. Apparently, “highly encouraged” pala ang pag-a-update ng account. So kahit hindi ka sinulatan ng bangko, pipilitin ka pa rin nilang mag-update. Wala kang takas. Pwede ka namang magdahilan na natatae ka na para makaligtas sa pakana nilang ito, pero pinili ko na ring mag-update for peace of mind.

Tatlong forms lang naman ang sinagutan ko. Sa dami ng hininging information, pakiramdam ko e ibinigay ko na sa kanila ang lahat-lahat. Pakiramdam ko, ibinigay ko na ang buo kong pagkatao. Wala nang natira sa ‘kin. I felt violated, besh!

Sana tinanong n’yo na rin kung anong type ng condom ang gamit ko, kung kelan ako huling nakipag-sex, kung sino-sino yung mga naka-date ko at kung anong posisyon ang favorite ko. Mga leche kayo!

Nag-OT tuloy ako sa lunch break. Not that I’m complaining. Tapos na naman ako sa trabaho ko dahil magaling ako. Pero ayoko pa ring nale-late o nag-o-OT. Nakakahiya sa iba kong katrabaho, lalo na sa mabait kong boss. Ayoko namang umabuso.

Siguro kung hindi lang kumita yung investment ko, imbyerna na ‘ko to the highest level of levels. Yeah, I know, pababa ang stocks, pero kumita naman nang kaunti yung maliit kong investment. Perfect timing na rin kahit papa’no yung ginawa kong pagpunta sa branch nila. Two birdie with one bato.

Kaya ikaw, kung nagbabalak kang bumisita sa Bank of the P.I., siguraduhin mong may dala kang ID at maraming time. Mauubos ang lunch break mo sa pag-fill up pa lang ng forms. At huwag na huwag kang pupunta roon ng Monday, Friday o araw ng sweldo. Mamumuti lang ang buhok mo sa kahihintay.