Christmas babies

by Sankage Steno

Marami akong kaibigan sa Facebook na ngayong buwan ng Setyembre ang kaarawan. Hindi ko pa nabibilang lahat pero tingin ko pinakamaraming nagbe-birthday kapag September. At alam ko ang dahilan kung bakit.

Nasabi ko na ‘to dati pa, uulitin ko lang. Hobby ko kasi yung ulit-ulitin ang isang bagay kapag gusto ko. Parang ano… you know.

Pang-ilang buwan ulit ang September sa kalendaryo natin? Pangsiyam, di ba? Ilang buwan nga ulit bago manganak ang isang buntis na nanay? Siyam na buwan, di ba? Ibig sabihin, kung ipinanganak ka ngayong Setyembre, minus 9 months, equals December. December ka ginawa.

Nag-sex ang nanay at tatay mo noong December.

Ergo, maraming nagse-sex kapag December. Bakit? Well, sisihin natin ang panahon. Malamig ang simoy ng hangin. Masarap ang may kayakap, may ka-cuddle. Sisihin din natin ang Pasko. Masaya ang maraming tao. Nagsasama-sama. Tapos holiday pa, walang pasok. Maraming time para gumawa ng milagro.

Milagro ka, di ba? We’re all miracles. Say ‘Amen.’

“Amen.”

Gusto ko ring isingit dito yung mga OFWs natin. Di ba karamihan sa kanila e umuuwi kapag Pasko? Syempre, na-miss nila yung kanilang mister o misis sa Pinas. Pag-uwi sa bansa, alam na kung anong gagawin. Magbubukas ng balikbayan box sa umaga. Tapos sa gabi, magsasara na ng pinto. Alam na dis.

Kaya kapag may kakilala kang ipinanganak ng September, ituring mo silang Christmas babies. For the simple fact na ginawa sila ng mga magulang nila noong kapaskuhan, give or take a few days.

Ang saya, di ba?

I know what you’re thinking. And the answer is ‘No.’ Hindi ako Christmas baby. July ako ginawa ng mga magulang ko. Or late June. Di ako sure. Di ko naman tinatanong yung mga magulang ko about sex. Ikaw, kung gusto mong makasiguro, kausapin mo sila tungkol sa pakikipagtalik.

Just my two cents here: Kapag nag-usap kayo ng magulang mo tungkol sa sex o kung kelan ka nila ginawa, try not to imagine them doing it. Respeto na lang, okay? Not okay. Sorry.