by Sankage Steno

Napansin mo ba? ‘Wag kang maingay.

Tinake ko yung test sa BuzzFeed: Which “Stranger Things” Character Are You Actually? Alam mo nakuha ko? Si Will. Ang corny. Extra lang pala ako. Sa umpisa at huling episode lang magpapakita. Nakakainis. Hindi ako natuwa kahit maganda yung description. Eto basahin mo:

You’re always putting others first, sacrificing your own needs for those you care for most, which makes you a truly valued friend.

Nag-take ako ng IQ test kahapon saka kanina para malaman kung nabobo nga ako dahil sa nagdaang eleksyon at sa kababasa ng comments ng mga taong mas bobo sa ‘kin. Hindi ko nakuha yung result. Kailangan pang magbayad. Tangina lang. Yung huli ko nga palang take e nasa 129 na lang ako. Before that, nasa 135.

Nabobobo na nga ako.

Bumalik na nga pala yung mga panaginip ko. Sinusubukan kong intindihin yung kahulugan nila pero di ko magawa. Puro tubig yung napapanaginipan ko lately. Minsan rumaragasang ilog, minsan kalmadong lawa, minsan dagat, minsan baha. Basta may tubig. Hindi naman ako nagkaka-wet dreams.

Gusto kong umabsent sa Lunes. Gusto ko lang magpunta sa coffee shop at magkulong doon buong araw para magsulat nang magsulat nang magsulat. Kaso nagi-guilty ako. Hindi ko alam kung bakit. Entitled naman ako sa leaves. Siguro dahil pinalaki akong responsable ng mga magulang ko. Ang hirap maging mabait.

Kapag mabait ka, aabusuhin ka ng mga tao. Kapag hindi ka naman naging mabait, magagalit sa ‘yo ang mga tao. Sa’n ka ngayon lulugar? Wala. Kaya magsusulat na lang ako nang magsusulat hanggang sa mamatay ako.

Ano? Napansin mo na? ‘Wag kang maingay.