Kuda pa more

by Sankage Steno

Ayan, ha. Tumahimik ako ng dalawang araw kahit bwisit na bwisit ako sa mga namumulitika pa rin sa kabila ng nangyaring pagsabog sa Davao City. Sanay naman akong mag-shut up paminsan-minsan. Di tulad ni Peter Tiu Laviña (campaign spokesperson ni Duterte). Kairita. Buti matagal ko na s’yang in-unfollow. Di ko na s’ya lav. Isa s’ya sa mga unang “biktima” ng aking Facebook Purge.

Sa mga hindi nakabasa ng post n’ya, eto:

Early this morning I wrote that three groups were likely behind the bombing in Davao City last night that left 14 dead and 67 injured: 1) drug lords, 2) terrorist ASG, and 3) political opposition. I stand corrected. There is a fourth group. One that is a collusion of these three suspects. An alliance of all anti-Duterte forces. Drug lords providing the funds, Abu Sayyaf providing the muscle, and the political opposition providing the brains and hecklers. Not farfetched, don’t you think even if the ASG has claimed the wrongdoing? Let this 0.2% do their evil worst. The rightheous (sic) many will always be victorious. #SulongDabaw #SulongPilipinas!

Sa sinabi n’ya, du’n lang ako sa dalawang hashtags sa dulo nag-agree. His statement is wrong in so many levels.

Una, walang ebidensya itong pinagsasabi n’ya. Hakahaka lang n’ya. Gawa-gawa ng malikot n’yang imahinasyon. Tsismis! Pangalawa, sa halip na magturo kung sinong may kasalanan, dapat inuna muna ang mga nabiktima. Pangatlo, lalo lang niya tayong pinaghahati-hati sa halip na nagtutulungan at nagkakaisa tayo ngayon.

Marami pang mali, like yung spelling ng ‘righteous’ n’ya, pero ili-limit ko na lang sa tatlo dahil gusto kong mag-focus sa isa pang tauhan ni Duterte na kung anu-ano ang lumalabas sa bibig.

Enter chief presidential legal counsel Salvador Panelo.

Kahapon, sinabi n’ya na ang idineklarang “state of lawlessness” ng ating pangulo ay nakaplano na raw bago pa mangyari ang pagsabog sa Davao.

Hindi na-trigger [ng pagsabog ang pagdedeklara ng state of lawlessness]. Actually, nasa planning stage na ‘yan… In fact, nagda-draft na nga kami ng proclamation [bago pa ang pagsabog sa Davao].

WTF, di ba? So ano ‘to? In-expect na nilang pasasabugin ang Davao kaya sa halip na maging alerto, gumawa na lang sila ng draft para sa proclamation? Sa halip na mag-deploy ng mas maraming pulis o sundalo, nag-meeting na lang sila para sa state of lawlessness? Ganyan ba gumamit ng “intel” ang mga pinuno natin?

Amazing!

Pero to be fair, may apat na dahilan daw sila para gawin yung draft:

  • Anti-illegal drug campaign
  • Criminality
  • Terrorism
  • Abu Sayyaf Group

Uulitin ko na naman ang sarili ko. Itong ginagawa ni Digong e nagpapaalala sa ‘kin ng mga ginawa noon ni Marcos bago ideklara ang Martial Law sa bansa.

Ginamit ni Marcos ang panggugulo ng NPA, ang pagpoprotesta ng mga aktibista at ang pekeng ambush kay Juan Ponce Enrile para sabihing nasa panganib ang buong bansa at kailangan mag-declare ng martial law para masugpo ang “threat to security” sa Republika. Ang totoo, gusto lang n’yang maging pangulo habambuhay.

Nasa kapangyarihan naman ni Duterte ang pagdedeklara ng “state of lawlessness.” Pero sana naman, yung mga tao sa paligid n’ya, ‘wag nang dumagdag sa fear at paranoia ng mga Pilipino. Iba-iba na nga ang sinasabi nila, hinahaluan pa ng kasinungalingan, tsismis at paninira. So mature talaga ng administrasyong ito.

Please lang, Laviña at Panelo, kung wala kayong matinong sasabihin, pwede bang shut up na lang kayo?

—–

P.S. Para sa mga bobo, sarcastic yung “mature” at “amazing” parts ng blog ko ngayon, pati yung title.