Love the movie, hate the goers

by Sankage Steno

Napanood ko na rin yung Train to Busan gaya mo. Nagandahan ako at nag-enjoy, lalo na kay 공유. I think he’s so yummy. Bagay kami. Hindi ako fan ng Koreanovela or K-Pop kaya kelan ko lang nalaman yung pangalan n’ya. Baka ngayon maging fan na ‘ko ng mga Korean actors.

Anyway, hindi ako magba-blog para i-review yung pelikula. Ang dami nang gumawa no’n saka maraming mas magaling manghusga sa akin ng movies. Ang ire-review ko ngayon e yung mga taong nakasabay kong manood. Sila ang ija-judge ko. Mas magaling kasi akong manghusga ng tao kesa non-living things.

Expected ko na naman ang sigawan sa loob ng sinehan. Natuwa nga ako roon e. Engaged na engaged kasi ang mga tao. Ang di ako natuwa e yung reaksyon nila sa isang part ng movie.

Spoiler Alert: Don’t read beyond this point if you haven’t watched the movie yet. But if you love spoilers, carry on.

Eto yung scene kung saan ni-rescue ng mga bida yung loved ones nila sa Cabin 13, tapos bumalik sila sa may unahan kung saan naroon ang ibang survivors. Di ba ayaw silang papasukin? Pero na-overpower nila yung mga madadamot? Tapos pinapunta sila sa vestibule kasi baka nga infected sila. Tapos tinalian ng madadamot yung pinto.

Then, yung isang matandang babae, binuksan yung isa pang pinto kung saan nasa kabilang side yung mga zombie. Nakain tuloy yung mga madadamot na survivor, except yung COO at yung isang crew ng tren na nakapagtago sa CR.

Alam mo yung reaksyon ng mga kasama kong nanood? Nagpalakpakan at nagsipagsigawan sa galak!

Putong ama lang. Alam mo ang naging reaksyon ko sa naging reaksyon nila? Napasabi ako ng “Gago!” in my  normal voice sa loob ng sinehan.

Bakit sila nag-cheer? Natuwa pa sila na namatay yung mga survivor? Iilan na nga lang silang hindi pa nagiging zombie, tapos ikinatuwa pa nila yung pagkakapatay sa kanila? Nasaan ang moralidad n’yo, besh? Kelan pa naging katanggap-tanggap sa inyo ang pagpatay sa mga “masasamang” tao?

Oh.

Alam mo, sabihin na nating masama sila. Fine. Pero acceptable yung behavior nila given the situation. Pa’no nga naman sila makasisigurong hindi infected yung mga nakipaglaban sa zombies? Mali nga siguro yung ginawa nila, pero di dahilan ‘yon para ikatuwa natin yung pagpatay sa kanila.

My gahd!

Ang isa pang kinainisan ko e yung mga lalaking inuunahan ng sigaw o tili yung suspense na eksena. Yung magjo-joke sila na “natatakot” sila o “kinakabahan” kapag alam mong gugulatin ka na nung movie. Sisigaw sila ng “Ahhhh” pero monotonous, o kaya e sasabihin nilang, “Ayan na, ayan na…”

Shutanginabels po ninyo.

Ang totoo, defense mechanism nila ‘yon. Inuunahan na nila para di sila mapahiya kapag nagulat nga sila at mapatili nang totoo. Mga mapagpanggap! Hindi kayo nakakatawa. Nakakabanas kayo, mga hayup! Magpakatotoo kasi kayo sa sarili n’yo. Kung magulat, e di gulat. Mga gago.

BONUS

Ano ang moral lesson ng Train to Busan? Sagot: Helping kills. Charot lang. Ke mabuti ka o masama, mamamatay at mamamatay ka pa rin sa zombie apocalypse. Kumanta ka na lang para maka-survive ka.