Gordon should stop being such a dick

by Sankage Steno

Buti na lang talaga at di ko binoto itong si Richard Gordon. Ang tigas ng ulo. Masyadong nagpapakatuta sa pangulo. Sabihin daw bang dapat i-suspend ang writ of habeas corpus para masugpo ang terorismo at ilegal na droga. I say, “Ulol.”

Para sa mga hindi nakakaalam, kapag sinuspinde ang writ of habeas corpus, pwede ka nang arestuhin ng mga pulis kahit walang warrant of arrest.

Ang dami na ngang hinuhuli at pinapatay dahil sa war on drugs na ‘yan (which is bound to fail based on other countries’ experiences), gusto pang palalain ng senador na ‘to. Bagay na bagay talaga ‘yang pangalan mo sa ‘yo. Such an abrasive man.

Eto yung eksakto n’yang sinabi sa mga reporter:

We are at war with drugs right now… If he (Duterte) has to suspend the writ of habeas corpus to fight drugs and terrorism, let’s give him that power so we won’t just keep saying people are getting killed, but that can’t be proven.

Senator Dick, bakit ayaw mong paganahin ‘yang utak mo ngayon? Hindi mo ba iniisip ang repercussion ng pagsuspinde sa writ of habeas corpus? Hindi ka ba nabuhay noong panahon ng Martial Law? Para ka namang tanga e. Pinapamukha mong mas matalino pa ‘ko sa ‘yo. ‘Wag ganu’n. Senador ka, regular taxpayer lang ako.

Fine, ‘wag na nating isama rito ang usapin sa martial law kahit iyon ang una mong maiisip kapag na-suspend ang writ na ‘yan. Alam ko namang alam mong binuo ang 1987 Constitution precisely to prevent another dictatorship. Mag-focus na lang tayo sa dagling pwedeng mangyari kapag natupad ang kagustuhan mong ito.

I hate belaboring the obvious, but it seems you’re in need of it right now.

Una, gaya nang nasabi ko na, lalakas lalo ang mga pulis dahil pwede na nilang arestuhin ang kahit na sinong suspek (na presumed innocent until proven guilty) nang walang arrest warrant. E ano bang laging sinasabi ngayon ng mga pulis sa mga nahuhuli nilang suspek?

Answer: Nanlaban.

At anong ginagawa nila sa mga suspek na “nanlaban” aber? Sagot: Pinapatay. Which leads me to my second hypothesis.

Kapag maraming nahuli at napatay, lalong dadami ang magiging biktima ng human rights violation. Maraming Pilipino ang makukulong at mapapatay kahit hindi pa napapatunayang nagkasala. Na-gets mo ba, Sen. Dick? Kahit ikaw e pwedeng arestuhin nang walang warrant. But no. Sino lang ba ang laging nahuhuli at napapatay?

Answer: Mga mahihirap.

Iyan po ang pangatlong pwedeng mangyari kapag nasuspinde ang writ of habeas corpus. Lalong madidiin ang mga mahihirap na Pilipino. Luging-lugi na nga sila sa buhay, lagi na nga silang napapatay sa war on drugs, lalo pa silang maaagrabyado ngayon.

And to think wala pang martial law n’yan.

Alam mo, Sen. Dick, ang pagsuspinde sa writ of habeas corpus at this point in time is not only lazy but also a lame excuse for proper investigation and hard work. ‘Wag n’yo pong i-baby masyado ang mga pulis. Trabaho nilang mag-imbestiga. At ‘wag n’yo pong tanggalan ng trabaho ang mga husgado natin.

Finally, ‘wag ka pong tanga-tangahan.