Anong due process pinagsasasabi mo d’yan?

by Sankage Steno

Nakakatawa talaga kayong mga ka-DDS. Ngayong nadidiin ang panginoon ninyong may gawa ng langit at lupa, ngayong may matapang na witness na lumitaw para isiwalat ang diumano’y mga karumaldumal na ginawa ng diyos n’yo, biglang humihingi kayo ng ebidensya? Gusto n’yo ngayong maglabas muna ng patunay? Gusto n’yong magka-due process bigla?

Mga ulol.

May due process bang ibinigay kay Michael Siaron bago siya pagbabarilin? May patunay ba kayong hiningi nang patayin si Jefferson Bunuan? Nagpalabas ba kayo ng ebidensya nang pagbabarilin ang lolo ni Danica May Garcia? E kay Rowena Tiamson? Kay Restituto Castro? Sa humigit-kumulang 3,000 biktima ng extrajudicial killings?

Kung susundin natin ang polisiya ng pangulo, dapat i-shoot to kill na rin s’ya ngayon, pati yung anak n’ya. Dahil kasama na sila sa mga pinaghihinalaang sangkot sa droga at sa napakaraming pagpatay sa Davao City, dapat isunod na sila sa mga biktima ng war on drugs. ‘Wag nang mag-probe. ‘Wag nang mag-imbestiga. ‘Wag na tayong magpatumpik-tumpik pa. Barilin na ‘yan!

But no. Diyos s’ya at hamak na mga mahihirap lang sila. Higit sa lahat immune s’ya sa kahit anong kaso.

And, no, I’m not serious na gusto kong barilin na lang din ang pangulo o ang kanyang mga anak dahil sa akusasyon ng witness ni De Lima. Nagpapaka-sarcastic lang ako dahil alam kong di mage-gets ‘yon ng mga bobong ka-DDS. Gusto ko lang silang pagtawanan sa ipinapakita nila ngayon.

Malakas din ang kutob kong hindi pa rin nila nage-gets ang kahalagahan ng due process. Alam ko namang naniniwala silang demolition job lang ang ginagawa ni De Lima (pero hindi demolition job ang ginagawa ni Duterte kay De Lima). Ganyan ang takbo ng utak nila. Uulitin ko na naman ba ang pagpapatunay sa kabobohan nila?

I just want to relish this moment na medyo taob ang mga ka-DDS. Gusto ko lang humawak ng goblet na may red wine, tumayo sa may bintana at tumawa nang pagkalakas-lakas. This won’t last forever kaya lulubusin ko na. Alam kong gaganti ang kampo ng diyos ng mga ka-DDS. At baka mas mabagsik pa.

Get ready, mga dilawan, esp. you, De Lima.

Ibang klase talaga ang bagong administrasyong ito. Simula pa lang, puro hate na. Sabi nga nila, hate breeds more hate. Kaya di na ‘ko magtataka kung pagkalipas ng isang taon, nag-aaway-away pa rin tayong lahat sa social media. That’s the Duterte Effect, so let’s all suck it up.