Leila Fullmetal

by Sankage Steno

I would like to introduce Sen. Leila De Lima to State Alchemist Edward Elric. Sa tingin ko may mapupulot na lesson ang ating matapang na senadora mula kay Ed.

No, it’s not Alchemy’s first law of Equivalent Exchange. Alam naman nating sa nangyayari ngayon, higit na mas malaki ang balik kay De Lima sa bawat pagtuligsang ginagawa niya laban sa mga polisiya ng pangulo. It’s not equivalent at all. May plus 1. Sa scope pa lang ng kapangyarihan at mga kaalyado, luging-lugi na ang senadora.

Although in principle, tama pa rin naman ang Equivalent Exchange. Sabi nga ng kapatid ni Ed na si Alphonse Elric, “…all things do come at a price.”

Pero ang gusto kong matutunan ni De Lima ay alam kong meron na s’ya. Ipapaalala ko lang para di s’ya panghinaan ng loob dahil sa nararanasan n’ya ngayon. Allow me to quote Edward Elric from Episode 64: Journey’s End:

There’s no such thing as a painless lesson, they just don’t exist. Sacrifices are necessary. You can’t gain anything without losing something first. Although if you can endure that pain and walk away from it, you’ll find that you now have a heart strong enough to overcome any obstacle… a heart made Fullmetal.

Gusto ko ring ipakilala si De Lima sa teacher nina Ed at Al, ang housewife na si Izumi Curtis. Pareho silang matapang at walang inuurungan. Higit sa lahat, pareho silang lumalaban para sa buhay ng mga tao.

I’ll share her message here for De Lima’s benefit, but I do believe that DDS members might learn a thing or two from her as well. And I quote,

Believe in yourselves and choose life over death. Otherwise, you’ve led a shameful existence.

I’m quite sure nagbubunyi na naman ang mga ka-DDS nating galit sa kahit na sinong hindi sang-ayon sa kanilang panginoon. Silang mga hindi nakauunawa sa kahalagahan ng oposisyon sa isang masiglang demokrasya. Silang ang tanging gusto lang ay himurin ang puwet ni Duterte at ng mga kakampi nito.

Nalulugod po akong sabihing may mensahe rin sa inyo ang ating mahusay na State Alchemist. Uunahan ko na po kayo. Hindi po dilawan si Edward Elric, although dilaw talaga ang buhok n’ya. Ang mensahe po n’ya ay nagkataon lang pong akma rin sa inyong mga ka-DDS. Allow me to quote him once more:

You’re all brainless zombies who never even tried to think for yourselves.

And that’s the truth. Kung gusto n’yong makaganti sa akin. Just apply Alchemy’s first law of Equivalent Exchange in the comment section. But remember, this is my blog. I’m above any law. In here, I’m god.