Plot Twist

by Sankage Steno

Nakakabilib itong war on drugs ni Digong—kakampi na niya ang mga drug lords! Sino nga naman ang mag-aakalang gagamitin ng pangulo ang mismong mga kinasusuklaman niyang kaaway para gyerahin si De Lima, este, ang mga durugista, este… I don’t know inamo!

Anyare sa “My gahd, I heyt drags!“?

Sinong mag-aakalang gagamitin ng Justice Secretary ni Digong ang mga drug lord sa Bilibid para pabagsakin ang kanyang mortal enemy sa senado? At mga high-profile convicts po ito, ha. Jaybee Sebastian at Herbert Colanggo? My gahd! Alam n’yo ba yung mga pinaggagawa nila bago makulong? Karumaldumal!

GMG, bes!

Commercial: In case ma-google mo ang music video ni Colanggo, ‘wag mo nang panoorin, please. ‘Wag mo na s’yang pasikatin pa lalo. Baka maging YouTube star pa ‘yan, ikaw din. Bahala ka.

At ano na nga pala ang nangyari sa iba pang drug lord na pinangalanan ni Digong? Nasaan na si Peter Lim? Nasaan na si Mayor Espinosa? Bakit buhay pa ang mga “kriminal” na ito? Dapat noon pa sila binaril at nilagyan ng karton: ‘Wag tularan. Drug lord ako.

Napakadaya. Puro maliliit na tao lang ang napapatay sa war on drugs. Ang unfair mo talaga, Digong. Yung mga big fish, ayun, free as a bird. Porke ba marami silang pera, hindi mo na sila papatayin? Ba’t umurong bigla ang bayag mo? Baka naman ikaw talaga ang tumatanggap ng drug money at hindi si De Lima. Ginagamit mo lang s’yang scapegoat. Mmm… aminin!

Ang ironic lang talaga. Tama si De lima. Kumampi na ang administrasyong ito sa mga drug lord para idiin s’ya sa diumano’y talamak na operasyon ng droga sa loob ng Bilibid. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa plot twist na ito. Lintik ‘yan. I don’t know inamo!

Naloko na naman kayo ng panginoon ninyo, hano? Akala n’yo drugs talaga ang susugpuin n’ya in 3 to 6 months’ time? Nagkakamali kayo. Si De Lima talaga ang pababagsakin niya sa loob ng anim na buwan. Kayo naman, di na kayo nasanay sa pagsisinungaling ng pangulo natin. Lumang tugtugin na ‘yan. Nakakasawa na nga e.