Birdwatching

by Sankage Steno

Ugali kong maglakad-lakad sa Ayala Triangle ‘pag lunch break. I count it as exercise.

Kanina, paglagpas ko sa may Omakase, may nakasalubong akong tatlong empleyado na nag-take out sa Amici. Dahil magkasalubong nga kami, di ko maiwasang madinig yung usapan nila. Sabi ng lider-lideran nilang bakla (based on his movements and voice tone) after naming magkatinginan:

Naglalakad pala mga ulam dito [sa Ayala Triangle].

Dahil assumero ako at wala namang ibang naglalakad kanina sa parteng iyon maliban sa aming apat, in-assume kong ako yung tinutukoy niyang “ulam” na “naglalakad” doon sa parke. Natuwa naman ako, syempre. Perstaym ko kayang mapagkamalang ulam. It’s such a huge honor.

Sa loob-loob ko tuloy kanina, “Wait ka lang ‘pag nakita mo ‘kong naka-topless.” Wew. Kung di lang mainit kanina, baka pinakita ko pa sa kanya yung birdie ko. Lels.

In fairness naman kasi sa suot ko ngayon, medyo japorms. Naka-long sleeved button-down shirt ako na yari sa denim, navy blue pants at suede na sapatos. Tapos ugali ko pang medyo suplado ang hitsura kapag naglalakad. GGSS.

Kanin na lang ang kulang.

***

Ugali kong tumulala sa bintana ng office kapag name-mental block ako o kapag wala na akong magawang iba.

Lagi-lagi, may nakikita akong ibon na nagga-glide sa tapat ng kinalalagyan ko sa office. E ang taas-taas ng floor namin, tapos ang liit lang nu’ng ibon. Manghang-mangha ako sa kakayahan n’yang lumipad sa ganoong altitude. Nakakainggit tuloy.

Ang ginawa ko kanina, ginoogle ko yung pangalan n’ya. I’m sure hindi s’ya maya kasi kulay black ang balahibo n’ya na parang may kulay blue sa batok. Tapos, ang pinakamagandang feature n’ya for me e yung kanyang tailfeather. Patusok kasi s’ya tapos dalawa pa.

In English, forked-tailed.

Hindi ako sigurado kung tama ang nasaliksik ko. Sa tingin ko, yung ibon na lagi kong nakikitang lumilipad sa harap ko ay isang Pacific Swallow (see image below). Kaya di ako sigurado kasi halos kamukha n’ya yung Barn Swallow. Oobserbahan ko pang mabuti para matukoy ko talaga kung ano s’ya.

***

“I always ask myself why birds choose to stay in the same place when they can fly anywhere on the earth, then I ask myself the same question.”

– Harun Yahya