God’s loophole

by Sankage Steno

I’m not referring to the human anus, but if you want to know more about it, feel free to message me via Facebook or through this blog’s comment section. I’d be more than happy to explore this wonderful creation in human anatomy with you.

May naisip akong tanong kanina habang nagbabasa ng opinyon sa Inquirer. Naalala ko bigla yung comment sa isang Young Blood article na sinulat ko two years ago. Sabi ng nag-comment sa sinulat ko, ano raw ba ang tingin ko sa diyos, magic wand o fairy godmother? (Please click the link and read the article to see the #context of the conversation.)

Sinabi ko na lang na “maybe you’re right.”

Ang tanong ko ngayon ay eto: If god is not a wish-granting factory (aka magic wand/fairy godmother), what is s/he then? A cheerleader?

Totoo namang naniniwala lang ang tao sa diyos dahil sa pangangailangan nilang maligtas mula sa kapahamakan o sa kasalanan, matupad ang kanilang mga kahilingan at malampasan ang anumang suliraning pinagdaraanan sa buhay. May naniniwala ba sa diyos dahil hindi niya kayang gawin ang mga ito?

Wala naman, di ba?

For the sake of argument, sabihin na nating hindi nga magic wand o fairy godmother ang diyos at hindi niya tungkulin o “purpose in life” na tuparin ang ating mga kahilingan o pakinggan ang ating mga dasal. E ano ngayon ang silbi n’ya? Moral support? E di cheerleader nga s’ya.

Kung hindi s’ya support, ang nakikita ko lang na kaisa-isang silbi ng diyos ay bilang creator o tagapaglikha. Now there are two things that may spawn from this argument: One, tapos na niyang likhain ang lahat sa sanlibutan at, two, hindi pa siya tapos at hanggang ngayon ay lumilikha pa rin (as premised by the theory that the universe is still expanding).

Kung yung una ang paniniwalaan natin, e di tapos na ang misyon n’ya. Kung kasama sa purpose n’ya ang “maintenance” o “calibration” ng kanyang nilikha, I’d say s/he is doing a pretty bad job.

Kung yung pangalawa naman ang paniniwalaan natin, ibig sabihin e patuloy pa rin ang misyon n’ya. At dahil “busy” pa s’ya sa paglikha, wala s’yang panahon para tugunan ang ating mga hinaing o kahilingan.

Iyan yung nakikita kong loophole sa pagiging diyos ng diyos, which, btw, is not solely referring to the Christian or Islamic god. Umbrella term ko ‘yang “god” for any supreme being or creator ng universe.

But then again, ano bang alam ng puny mind ko? It has a very limited capacity. At kung sa umpisa pa lang ay mali na ang premise ko, it follows na mali rin yung line of thinking ko at mali ang lahat ng sinasabi ko rito. Which then somewhat proves my hypothesis: that god has created a loophole.

Bonus: Speaking of god, magkakaroon na pala ng season 2 ang One Punch Man. Sa October daw ipapalabas ang unang episode. Bukod sa panibagong season, magkakaroon na rin daw ito ng sariling app. Isn’t that great? It makes me want to believe that god is real. Charot.