She’s not the best

by Sankage Steno

Hindi ko binoto si Miriam Defensor-Santiago noong nagdaang halalan dahil kumampi siya kay Bongbong Marcos at dahil alam kong mamamatay na s’ya. I should know. Marami na ‘kong kamag-anak na namatay sa cancer. Baka nga sa cancer din ako mamatay balang araw kundi ako mabaril ng hired killer.

Nagkamali lang ako ng prediction kung kelan s’ya mamamatay. Ang hula ko kasi e July. September pala. Not that it really matters. Imagine kung siya ang nanalong pangulo. Pigil na pigil siguro ang tuwa ng mga #dilawan ngayon. Bakit kamo? Well, sino ba ang pangalawang pangulo?

Sorry if ever you find my words disrespectful or rude. Iba-iba ang paraan natin ng pagpapahayag ng pighati.

Gusto ko lang sabihing napaka-corny at nakakainis yung pagsasabing Miriam was “the best president we never had.” Nakakaumay na. Sinabi rin ‘yan ng mga tao kay Raul Roco at kay Jovito Salonga. I’m not saying it’s wrong or you’re dumb for saying it. My point is: “Best” talaga?

There can’t be more than one “best president we never had.” That’s preposterous. We can’t even know for sure if that’s true. Parang Schrödinger’s cat lang.

Anyway, kung ‘yan ang nararamdaman mo, di naman kita pipigilang sabihin ‘yan. I just think Miriam wouldn’t like to hear that herself. I bet she wouldn’t even consider herself to be the best. I suppose she’d rather say that she’s the “better” president for this country. Tapos tatawa s’ya nang malakas.

And another thing. Gusto ko lang ding sabihin na noong freshman ako sa UP, araw-araw kong binobola ang sarili ko. Lagi kong binubulong sa sarili na ang swerte at ang galing ko dahil pareho kami ng school ni Miriam. Pareho kami ng idol ko. Ibig sabihin, matalino rin ako. Magaling din ako.

And because of that, I felt infinite.