Carpe Noctem

by Sankage Steno

So we’ve finally come to this: Duterte just likened himself to Hitler and vowed to “slaughter” 3 million drug addicts. (Sa pagkakaalam ko, humigit-kumulang 6 million ang pinatay na Hudyo sa Holocaust.) Allow me to quote our beloved president:

There are three million drug addicts [in the Philippines]. I’d be happy to slaughter them. If Germany had Hitler, the Philippines would have [me].

Ang pahayag na ito ay pwede nating ituring na isang klase o bahagi ng Godwin’s law. Ano ‘yon? Isa itong kasabihan o katotohanan na nagsasaad na kapag tumagal ang isang usapan sa internet, di malayong may isang magkumpara sa isang tao o bagay kay Hitler. And I quote:

As an online discussion grows longer, the probability of a comparison involving Nazism or Hitler approaches 1.

Ang daming mali sa bagong kagaguhang ito ng mahal nating pangulo. Pero gagamitin ko na lang ang status ng isa kong Facebook friend para ipahayag ang nararamdaman ko rin sa ngayon. Sabi ng kaibigan ko,

I don’t know what’s worse, Duterte aspiring to be the next Hitler, or him likening innocent Jews to drug addicts.

Sa mga hindi nakanood ng Schindler’s List o hindi sinaulo ang pag-aaral ng World History, dapat mong maintindihan na hindi dapat gawing biro ang pagpatay ni Hitler sa mga Hudyo. At kung ihahalintulad mo ang sarili mo sa kanya, dapat mamatay ka na bago ka pa makapatay ng milyun-milyong inosenteng tao.

Dapat mo ring tandaan na kahit anong digmaan (kahit WWII pa ‘yan o war on drugs), it brings out the worst in people. Sabi nga ni Oskar Schindler, “Never the good, always the bad. Always the bad.

Kita mo naman ang nangyayari sa bansa natin ngayon, di ba? From social media to reality, puro hatred, violence, death ang nakikita natin. At kailan ‘to nagsimula? Noong nanalo si Duterte sa halalan. No, this is not a post hoc ergo propter hoc statement, it’s a fact. And we can argue all day about this, but I know I’m right.

Normally, itong mga ganitong pagkukumpara sa leader ng Nazi party o sa ideolohiya nila ay isang halimbawa ng reductio ad Hitlerum (also known as argumentum ad Hitlerum), na isa ring uri ng ad hominem, ad misericordiam o ignoratio elenchi. Na nanggaling ito mismo sa bunganga ni Duterte e lalong nakakatawa. O nakakainis, depende sa pananaw mo sa kanya.

Madalas kasi, kaaway mo ang magsasabi sa ‘yo na para kang si Hitler. Hindi mo ihahalintulad ang sarili mo sa mamamatay-tao na ‘yon. Pero ibahin mo ang pangulo natin. Inangkin na n’ya talaga ang pagiging Hitler.

Heil, mein Führer!

Hindi ko na alam kung sino pang masamang tao ang gagamitin ni Duterte para ikumpara ang sarili. Nagamit na n’ya si Idi Amin ng Uganda, tapos si Adolf Hitler ng Germany naman ngayon. Sino kaya ang susunod? Si Lucifer ng Inferno?

Carpe noctem, mga kapatid.