My Inquirer

by Sankage Steno

I’m loving the new MyInquirer, kahit may cognitive dissonance pa ‘ko sa page 1 ng kanilang print edition. Naaasiwa ako sa tatlong box sa taas na kulay green, blue at orange (na feeling ko dapat ay red pero mahirap basahin kaya ginawang kahel), saka du’n sa bagong font at font size.

Bukod dito, ang tingin ko sa front page e copy-paste version ng nasa mobile. O parang home page na nilagay sa print. Puro box kasi. Medyo me pagka-tabloid feel. Muntik pa ngang maging tombstone yung style, parang sa Manila Bulletin dati kung di pa nila ginaya yung former style ng Inquirer—yung me dambuhalang photo sa harap.

Pero feeling ko masasanay rin ako at mamahalin ko rin s’ya like before.

Natuwa ako sa special report (Rehab or rubout) nila na ang ganda ng layout sa online version, although may nakita akong ilang typo errors. Natuwa rin ako sa bagong format ng Inquirer.net dahil mas malinis tingnan, although hindi ko mahanap yung banner story kapag napalitan na s’ya ng bago within the day.

Nag-a-adjust pa rin ako, like everybody else.

Pero pinakanatuwa ako sa favorite section ko, yung Columns/Opinion. Ang astig kasi ng larawan ng mga kolumnista. From head to chest na yung shot kumpara sa dating ulo lang at mukhang mug shot. Parang mas nakilala ko yung mga writer nila kahit antagal ko na silang binabasa (at marami nang nawala at/o namatay).

Of course, hindi ko mapapalampas yung bago nilang kolumnista, si Martin Andanar. Wise move ‘to para mabawasan yung mga nanto-troll sa kanila at para hindi sila masabihan masyado ng #bias, #dilawan o #presstitute. Ngayong may Brew Point na, siguradong may boses na ang current admin sa paborito kong pahayagan.

Nice move, Inquirer.

Gusto ko rin yung ThinQ: Bloggers’ Voices. Mukhang natuto na ang Inquirer kay Mocha Uson. Lels. Kinikilala na nila ngayon ang sobrang laking impluwensya ng mga bloggers sa pag-iisip ng mga Duter… este… mga netizen, lalo na yung mga naka-free data at headline lang ang binabasa.

Nakakalungkot lang na wala na yatang Learning Section. Doon pa naman ako nagko-contribute madalas dati. Kahit papa’no e naranasan kong maging correspondent/reporter ng Inquirer dahil sa section na ‘yon. Minalas kasi ako nung EPAL (Editorial Production Assistant Lang) pa lang ako sa kanila kaya di ako naging full-time reporter.

It’s a long story. Sa ibang blog na lang siguro.

Pero kahit wala na yung Learning, and’yan pa naman yung Young Blood. Yun nga lang, di na ‘ko pwedeng mag-contribute doon by next year ‘pag naging thirty, flirty and thriving na ‘ko. Di pa rin naman ako qualified magsulat sa High Blood, although pangarap ko ‘yon kapag naging senior citizen na ‘ko.

So far, yun pa lang ang key takeaways ko sa pagbabagong ito sa Inquirer. Marami pa ‘kong mapapansin for sure sa mga darating na araw. Magbabasa na lang muna ako ng horoscope (na mas umaliwalas ang layout at mas madali nang basahin) kahit di ako naniniwala sa astrology.

Stay fearless and balanced, Inquirer. Congrats!

myinquirer